PROLOGUE

21 0 0
                                    

---

(Yllona Louisse's P.O.V.)

Tumakbo ako pababa ng hagdan na umiiyak. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta basta ang alam ko lang na gusto kong makalayo na sa lugar na yun.

Hanggang sa makalabas na ako, patuloy pa din ang pagtakbo ko kahit sa marami at siksikang tao ay pinipilit kong makalusot.

Wala na akong pakialam kahit may matamaan o makabanggaan pa ako.

At kahit ano pa ang isipin nila sa mga nangyayari sa akin ngayon na patakbong umiiyak, hindi ko na inisip pa yun basta bigla na lang talaga ako naging manhid ang katawan pati pakiramdam sa nakita ko kanina na gusto ko ng kalimutan.

Hingal na hingal na ako sa pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa isang park.

Dito talaga ako dinala ng mga paa ko hanggang sa paunti unti ay tinigil ko na ang pagtakbo at naglakad.

Halos kanina pa pala ako tumatakbo at hindi ko na namalayan na pumapa gabi na pala kaya unti unti na ding dumidilim sa mga paligid.

Ngayon lang din ako nakapunta sa lugar na ito, hanggang sa naramdaman kong may kaunti ng pumapatak sa mga braso at sa balat ko.

Siguro nga dahil sa umiiyak pa din ako hanggang ngayon.

Kaso hindi lalo siyang lumalakas, hanggang sa bigla na lang bumuhos ang isang malakas na ulan na parang nakikiramay sa sakit ng nararamdaman ng puso at kalooban ko ngayon.

Tuloy tuloy pa din ang paglalakad ko, dahil sa mga pangyayari na iyon sa akin kanina, na ako pa mismo ang nakakita ng dalawang mata ko.

Hindi ko na naisipan pang puntahan yung kotse ko at wala na din sa isipan kong mapa takbo ng ganito at mapapunta dito sa lugar na hindi naman pamilyar sa akin.

Naglakad lakad pa din ako hanggang sa napalayo ako sa mga maraming tao kanina dito sa park na ito.

Hanggang sa nakakita ako ng upuan sa hindi kalayuan ng park na ito, lalo ding lumakas ang pagbuhos ng ulan na para bang hindi ko nararamdaman ang mga iyon, kahit man lang yung ingay na nanggagaling sa mga patak niya at malakas na kulog, hindi ko na talaga marinig ang mga iyon.

Hanggang sa nakalapit na ako sa isang upuan at biglang napaupo.

Hindi pa din ako tumitigil sa
pag-iyak at alam ko iyon.

Kahit malakas ang ulan at napupunta na ito sa mukha ko, ramdam na ramdam ko ito dahil sa init ng luhang dumadaloy sa sa pisngi ko na nakikisabay sa ulan na dumadampi din sa mukha ko.

Pakiramdam ko nakikiramay din sila sa nararamdaman ko ngayon.

Hanggang sa talagang dumilim na sa paligid, hindi ko na ininda ang lamig, pagod at kahit nandito pa ako na basang basa na at nakaupo pa din hanggang ngayon.

Parang ang bigat ng katawan at pakiramdam ko at hindi ko magawang tumayo sa kina uupuan ko.

Hanggang sa . . . . . . .


Parang may kakaiba akong naramdaman, hindi ko alam kung ano iyon basta nanatili akong nakaupo at nakatakip ang mga mata sa braso ko na pinapatungan ng mga tuhod at binti ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Keep Holding On Forever (GirlxGirl)Where stories live. Discover now