Season 1 |38|>>#Taken

Magsimula sa umpisa
                                    

Tss. Bakit ko bang iniisip 'yung Belle na 'yun. Labas naman siguro ako sa away ng kapatid niya 'di ba? "Baka sa Juliart? Ewan,"

"Whatevs, Jules na ang tawag ko sa'yo. Coz I bet all your friends call you Ken,"

Tumango lang ako at hindi sumagot. Bakit niya ako kinakausap? Anong rason niya?

"Transferee ka? Ngayon lang kasi kita nakita here eh, and to think na matatapos na ang first sem. What's your last course ba? Hindi ba maganda there kaya ka nag transfer?"

Biglang sumakit ang ulo ko sa kaartehan niyang magsalita. Mas malala pa ata 'to kay Belle.

"Oopps sorry to ask too many questions. I'm just excited kasi na classmate ko ang boyfie ng sis ko. Can I have your schedule? I just wanna see kung ito lang ang subject na mag classmate tayo,"

Tiningnan ko siya tapos tiningnan ko si Mr. Ramirez na nag tuturo sa harapan at kausap ang white board, ni hindi man lang siya tumitingin sa mga estudyante niya, bago ko ibalik ang tingin ko kay Glorie na naghihintay ng schedule ko.

Wala akong sinabi sa kanya ng i-abot sa kanya ang kapirasong papel.

"So we've got Eco during Tuesday and Marketing every Wednesday,"

Tumango lang ako at itinuon ang atensyon sa mga sinasabi ni Mr. Ramirez. Habang si Glorie naman nagkwe-kwento tungkol sa mga bagay na wala akong pakialam. Pag may sinabi siyang parang biro, pilit akong tumatawa at tumutungo naman kung nagtatanong siya sa akin.

Psh. Ayoko sana siya sungitan dahil kapatid siya ni Belle pero medyo nakakairita ang mga ganitong babae. At isa pa nahihirapan akong makasabay sa itinuturo ng prof ko sa sobrang ingay niya.

Nang matapos na ang halos tatlong oras na paghihirap sa tabi ni Glorie,ay nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko para maka-alis ka agad. Kailangan ko pa kasing pumunta sa St. Raymond's building ( builing ng Photography courses) para kuhanin ang mga naiwan kong mga gamit sa iba kong kaklase. Pero parang mina-malas ata talaga ako dahil naabutan ako ni Gorie, bago pa man ako makalabas ng pintuan.

"Jules! Wait!"

Plano ko sanang magtuloy-tuloy na lang maglakad na kunwari ay wala akong naririnig pero hindi naman ako ganoong kasama kaya liningon ko siya.

"I just want to welcome you ulit. And I'm glad to know that you are not like my sister's other friends. 'Yung iba kasi pinagkakaisahan nila ako. I'm glad you are not like them."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Pinagkakaisahan siya? Nino? Nila Gem?

"Anyway, una na ako ha. May class kasi ako after this eh, so bye Jules," aniya. Nagulat na lang ako ng halikan niya ako sa pisngi.

Anong problema 'nun?

~~~

Jesse's POV

Nag paalam na ako kila Nadz na mauuna na ako. I still have one more hour to kill before my next subject so I still have time to plan about what I'm gonna do with that b--tch.

Pumunta na ako sa St. Raymond's to get some materials for my plan at para na din makausap ko ang mga taong tutulong sa akin.

"Bakit ako pa ang kailangang gumawa nito? Mas capable kang gawin to Dela Torre. You are a fcking genius!"

Ngumisi ako at dahan dahang lumapit kay Troy. Idinikit ko and dib-dib ko sa kanya so he can feel my breasts. I also guided his hands inside my skirt hanggang nahahawakan niya na ang hem ng underwear ko. Dahan-dahan ko din pinadaan ang mga kamay ko sa dib-dib niya hanggang nakapulupot na'to sa leeg niya. Pinaglaruan ko nang saglit ang mga ligaw na buhok niya sa may patilya at binasa ang mga labi ko. Ginawa ko ito ng dahan dahan at sinigurado kong pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon