Tumayo silang tatlo. Naiwan akong napatanga dahil sa sinabi ni Marian.

Dumating ang gabi at wala pa din ako sa sarili. Good thing no one complained about my service. I was completely out of my rationality. Hindi ako makapag-isip nang matino.

"Someone's waiting for you outside." Sabi ni Oria habang isinusukbit ang bag sa kanyang balikat.

Tumango ako. Nagsimulang kumalabog ang aking dibdib. I even put my hand on it, feeling the incessant thud and trying to stop it from drubbing so fast but I knew it wouldn't. This reaction was normal when it's him we're talking about.

"You're smarter than us. You've graduated with flying colors, haven't you?" Tinapik ni Asia ang balikat ko. "Sana ayusin niyo na 'yan at sana... umamin ka na din sa kanya."

Iniwan nila akong tatlo. Next thing I knew, I was already walking toward the door as someone opened it for me.

Kumunot ang noo ko nang makita ang isang batang lalaki. Magsasalita sana ako para tanungin kung bakit nagpapagala-gala pa siya ng ganitong oras pero napigil ako nang pagturo niya sa direksyon kung saan mayroon pang mga bata na may hawak na lobo. Letter balloons. Halos tumigil ang aking paghinga nang mabasa ang nabuong salita ng mga lobong ito.

I'M SORRY BINIBINI.

Mula sa likod nila ay lumabas ang lalaking tatlong araw ko nang hindi kinikibo. Yes, three days had passed and I didn't let him to have conversed with me. Kanina lang dahil ayokong makaabala siya sa customers. Sa dalawang unang araw ay wala siyang ginawa kundi ang pumunta dito sa CARESS, mag-iwan ng kung anu-ano, bulaklak, teddy bears and foods, ngunit hindi siya nagsasalita. Alam kong ramdam niya na galit ako.

Lumapit siya sa akin at wala akong ginawa kundi ang panoorin siya. The moment he was already in front of me, I felt my heart twitch and knees started to wobble.

"What you saw, it's not what you think." He started.

Pinakiramdaman ko ang aking dibdib. Nagwawala ito ngunit sa kabila ng malakas nitong kabog ay ang kirot na hindi ko masupil. I couldn't open my mouth. I knew that he was able to follow me that night because Geneva told him where I was. Hindi dumating si Geneva noong gabing tinawagan ko siya, sa halip si Phoenix ang dumating.

"You weren't talking to me for days. You weren't answering my phone calls and texts. You're always making me scared, binibini. You really are."

Lumunok ako. His eyes were too gloomy and pain was perceptible. Ang pagsingaw ng sakit dito ay hindi maikakaila. At ako, ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

"Ilang taon na kitang binantayan. Ilang taon akong nagtiis na binabalewala mo lang ako. Ilang taon, Millicent. Pero hindi ako sumuko. Ngayong abot kamay na kita, ngayon pa ba ako bibitaw?"

He's really scared to the point that he's looking back at the past.

Nanginig ang mga kamay ko. Agad ko itong inilagay sa aking likod. I dropped my eyes on the ground as I felt his hand trying to reach me but suddenly stopped.

Hindi ko alam na ganito ang epekto sa kanya ng ilang araw na hindi ko siya kinibo.

"I never kissed her. She was drunk and sick. If you're that woman in front of me, I would willingly, whole-heartedly kiss you. If you're the one who's sick, I'm not gonna leave. Pero hindi ikaw yun Millicent. Hindi ikaw yun." He extended his arm and held my chin. Nakaigting ang panga niya pero hindi pa din lumilisan ang sakit sa kanyang mga mata. "She was the one who kissed me-"

I cut him off using my lips. My whole body trembled as I felt its softness against mine. His hand snaked around my waist making our body bonded. My tears started to cascade on my cheeks. Marahan ko siyang itinulak. Sweet smile formed on his lips.

Akmang hahawakan niya ang aking kamay pero agad akong lumapit sa mga bata at kinuha ang mga balloons na ibinigay niya. Pinasalamatan ko sila isa-isa hanggang sa umalis na ang mga ito.

Ipinasok ko sa back seat ang mga ito. Tutulungan niya sana ako pero matamis ko siyang nginitian at dinampiang muli ng halik ang labi niya. He was astounded for seconds but able to compose himself when I walked past him.

Naramdaman ko ang pagtatangka niyang hawakan muli ako pero agad akong tumakbo pabalik sa CARESS at pumasok dito. Dinampot ko ang mga bulaklak at chocolates na ibinigay niya pero hindi ko inaasahang sa pag-ikot ko ay malaglag ang mga ito.

Kinabig niya ang aking baywang at muli ay nalunod ako sa mga mata niya.

"I don't know if this feeling is still legal. If this is some kind of crime, I would be imprisoned forever. If this love is a crime, I'm willing to get punished anytime." He captured my lips again and I willingly kissed him back. "Mahal na mahal kita Millicent!" He whispered.

He was gentle, real gentle as he moved his luscious lips against mine. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang batok at hindi napigilan ang ungol na kumawala sa aking bibig. My tears started to stream down again. I was not even saying a word but I couldn't even stop myself answering back his actions.

He bit my lip and my mouth partly opened making our tongues do their feats. We stumbled and next thing I knew we were on the sofa still kissing and savoring each other's body. Bumaba ang halik niya sa leeg ko at nag-iwan ng maliliit at nanggigigil na halik.

Akmang huhubarin niya ang aking pang-itaas nang mapatigil siya. Agad siyang napaupo, mabilis ang paghinga. He looked at me and apologetic eyes were all I could see.

"I'm sorry." Lumunok siya at tumayo. Dinampot niya ang mga nalaglag na bulaklak at chocolates.

Pinanood ko siya at kitang-kita ko ang pag-iigting ng kanyang panga. Pinigil ko ang ngiting gustong kumawala sa aking labi. Pinigil ko ang yakapin siyang muli at napagdesisyunang umuna na paglabas.

Hindi ako umiimik habang siya ay hindi mapakali kahit na nagdadrive. I could sense him stopping himself to hold my hand.

Nakarating kami sa kanyang bahay pero wala pa din akong imik. Alam ko na natatakot siya dahil sa nangyari kanina. Kaaayos pa lang namin pero heto at muntik na namang may mangyari. I knew what's on his mind. Galit ako.

"Pakikuha nung mga gamit sa kotse. Lahat." Utos niya sa katulong na nasalubong namin.

Dumiretso ako sa hagdan at nilingon ko siya. Napatigil siya sa paglalakad. Lumunok ako at hindi siya pinansin. Pumasok ako sa kanyang kwarto pero nanatili lang ako sa pinto habang hinihintay siya.

Nang sa wakas ay nasa tapat na siya ay agad ko siyang hinigit at niyakap. Kinagat ko ang labi ko at isiniksik ang mukha sa kanyang dibdib. Tumulo ang aking luha at kumawala ang hikbi sa aking bibig.

He hugged me tighter than the usual.

"What am I gonna do Phoenix Elizer Dela Vega?" Tiningala ko siya at nakita ko sa mga mata niya ang pagmamahal na kaytagal kong inisip na kasinungalingan lang. "Nagseselos ako. Nagseselos ako dahil ako lang dapat ang humahalik dito sa labi mo." Dinala ko ang aking kamay dito at hinaplos ito. I bit my lower lip to suppress the approaching sob. "Your lips are mine. You are mine. And now it's official." Hinalikan ko siya. Nang humiwalay ako, mula sa pagkagulat ay sumilay ang masayang ngiti sa kanyang labi.

"That means..."

"Tayo na." Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa kanyang batok. "Tayo na. Hinding-hindi na kita ikakaila sa kahit sino. You don't deserve that. You deserve to be loved and to be happy with me... ginoo."

Itinulak ko siya sa kama at pumaibabaw sa kanya. I kissed him again, until we cuddled and savored the moment in each other's arm.

SurrenderWhere stories live. Discover now