CHAPTER31: Interrogations.

67 1 1
                                    

ASH's POV:

Putangina! Sa dinami dami pa ng lugar, dito pa talaga kaming lahat nagkikita-kita! Nakuuu!!! Nastestress ako!! Pero nakakatawa naman yung ginawa ni Hana kay Dylan! HAHAHA! Akalain mo ba namang huhubaran niya yung asawa niya sa mall?! May makikita ka pa bang kasing baliw kung mag-isip maliban kay Hana?! WALA!!! Haha!

Pero, good luck nalang sa kung ano man ang possibleng mangyari ngayon! Di ko na problema yan!

"Di na kailangan niyan, andyan na sila eh.", inakbayan ni Dylan si Hana, habang nakatakip naman ng mukha si Hana. Lagot ka ngayong bata ka! Pacouple couple pa kasi...ayan! 

"Uie!!! Sina Sir Dylan u! Tara puntahan natin!", grabeh naman tong si Fae kung makasigaw! Ipagsigawan ba naman! 

"O basta! Act cool lang kayo! Wag kayong mataranta ha! Wag kayong pagpapawisan o kaya naman kabahan ha! Parang normal lang dapat. Normal ok?!", shit! Bakit ako yung mas kinakabahan dito?!

"Hi Sir! Aba....Hana?! Sir? Ba-ba---ba't...?", di na makapagsalita ng diretso si Fae sa gulat. Ikaw kaya nasa posisyon niya ngayon eh hindi ka kaya magtaka.

"Oh my God! Hana! Ba't nakacouple shirt kayo ni Sir Dylan?! Don't tell me....Si Sir Dylan yung boyfriend mo?!", BINGO! Almost there!

Bakas sa mukha ni Hana yung halo-halong emosyon. Ano ka ngayon Hana?! Ano ngayon palusot ninyo?

"HE's MY ONE AND ONLY --->  < ---SHE's MY ONE AND ONLY.", binasa ni Mau yung nakasulat sa shirt nila. "Naman....ang cute niyo namang dalawa! Aminin niyo nga....kayo noh?!", nagkantsawan silang lahat.

"Naku Hana ha....dinamay mo pa si Sir sa kalokohan mo....pwede mo namang ishare sa amin eh! Di namin ipagkakalat, promise! Atin-atin lang!", ani ni Yna habang inaakbayan si Hana.

"Ano kasi...mali kasi kayo eh...", depensa ni Hana.

"Ayeee....aminin na Hana! Si Sir yung boyfriend mo noh? Sige na Hana! Wag ka nang mahiya! Para san pa tong pagkakaibigan natin kung maglilihim ka din pala! You can trust us naman eh!", ani ni Fae. Natahimik na bigla si Hana, naubusan na ata ng sasabihin. Kung ako yun, naku, nahimatay na ako siguro..

"Tama na nga yan! Mga chismosa kayo! tigilan niyo na nga sina Hana at Sir! Ako sa inyo, ililibre ko nalang kayo ok?", iniba ko na yung usapan, masyado na kasing sineryoso eh.

"Isa pa tong si Ash, eh alam naman naming alam mo din eh! Ano Ash? Alam mo namang may relasyon sina Sir at Hana diba? Ano?! Share naman diyan!", bulong ni Fae sa akin. Dinamay pa talaga ako?! Sana pala nanahimik nalang ako! Ahhhhh!!! Ang gulo nitong mga babaeng toh!! Suntukan nalang tayo para matapos na toh!!

"Teka...parang may mali eh...tingnan niyo, nakacouple shirt sila diba?", tumango tango kami "So ibig sabihin may relasyon talaga sila. Eh ang pagcocouple shirt eh di lang yan basta basta eh! Naranasan ko na din yan dati kaya alam na alam ko yang mga sitwasyon na ganyan!...", mahabang sabi ni Fae.

Yung posisyon namin ngayon, nakacircle kaming lahat, head to head talaga. Nagmumukha kaming criminal sa ginagawa namin ngayon. Ano ba yan, nakisali pa talaga ako! 

"Pero diba, may asawa na si Sir Dylan? Tsaka may boyfriend na din si Hana.", sabat ni Yna

"Yun ang punto diyan!", ani ni Fae. Ano ba tong napasukan kong gulo?... = _  =

"Nakacouple sila kahit alam naman nilang pareho silang committed sa mga loves nila....OMG!! Di kaya....?!", hayy....ito na nga ba kinatatakutan ko...ba't kaya binansagang genius ang mga babae pagdating sa mga ganito noh? Talaga naman...

"Oh my god....parang i know what your thinking Fae...", bulong ni Mau

"Ako din....pero yan lang din nasa isip ko ngayon....", dagdag pa ni Yna.

My heart belongs to you. (slow update)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant