CHAPTER21: I like him?

89 1 1
                                    

ASHLEY's POV:

Sinasabi ko na nga ba at ganito mangyayari sa kanya. Bwiset na bagio. Langhya talaga. Sira na plano ko, pinahamak pa best ko. Lintik na walang ganti!!!

Akala ko mag-aabsent siya. May exam kasi kami ngayon kaya alam kong kahit mamamatay na yun ay gagapang talaga yun papunta dito para lang mag-exam! Ganun siyang klaseng tao! Kahit may sakit na ay pinipilit pa rin ang sarili niya na mag-exam. Si Hana talaga! Ang tigas ng ulo.

Bwiset! Di ako makapagconcentrate! Ubo ng ubo si Hana sa may side ko! Nag-aalala ako sa kanya! Ba't ba kasi di nalang siya ng absent! Nakakainis talaga tong bruha na toh!

Pagkatapos ng exam, nagpunta kami sa canteen.

"Uie, Han...uwi ka nalang kaya...tingnan mo nga yang sarili mo oh..", ani ni Fae

"Tama si Fae Han, keysa naman mabinat ka lalo. Kasi naman eh! Bumagyo! Bwiset talaga! Nasira tuloy plano natin!", ani ni Mau sabay kagat nung burger niya.

"Takte talaga! Sinabi mo pa! Hoy Hana, makinig ka na lang sa amin, wag ka g pumasok sa next class natin. Maghalf day ka nalang...", ani ko habang hinimas himas ko yung likod niya.

"Tama si Ash Han, wag mo ng pilitin yung sarili mo..baka lumala kapa...", ani ni Caleb na halatang mamamatay na sa sobrang pag-aalala.

"Pa--pasensya na kayo ha..., pinag-alala ko pa kayong lahat...", ani ni Hana.

"Wag ka nalang kasi pumasok Han! Hatid na kita sa clinic?", sabi ni Yna

"Wag na! Ayoko sa clinic..."

"Pero..."

"Hayy....hayaan niyo na siya...kayo lang mapapagod diyan.", sabi ko habang patuloy ako sa pagkain.

"Hehe...", may sakit na nga, tumatawa pa din. Si Hana talaga...kahit kelan...hayy..

---

Tinapos ni Hana ang mga klase namin kahit na sa kabila ng sakit niya. Grabeh tong babae na toh. Napaka-active!

Sawakas, dismissal na. Ako na ang tumawag kay Dylan at nag-explain sa kanya kung bakit di siya naghalfday. Hinatid na ni Dylan si Han pauwi.

"Umuwi na si Hana?", tanong ni Caleb, pauwi na din ata siya.

"Uu"

"Sino yung kumuha sa kanya? Parents niya? O baka naman bf niya?", nilipat ko yung tingin ko sa kanya.

"Lalaki ka ba talaga?", tanong ko

"Bakit?"

"Kasi ang chismoso mo! Umuwi ka na nga! Echosera!", kaloka tong lalaki na toh! Ba't ba palagi nalang ganun sinasabi niya? Di man lang niya ako niyaya na sabay kami umuwi!

"Uie! Teka! Sungit naman nito! Parang nagtatanong lang! Hoy! Antayin mo ako! Sabay na tayo!", yun naman pala eh!^^

As usual, sabay na naman kaming umuwi ni Caleb. Nilakad niya ako papunta sa amin. 

"Ang tahimik mo. Anong iniisip mo? Si Han noh?", sabi ko sabay dila nung cornetto ko.

"Hindi ah...may naisip lang ako.", sus! Palusot pa! Eh basang-basa na kita ulol!

"Ahh..okay..."

....................

"Sa tingin mo, okay lang siya?", sabi ko na nga bah..di ako maloloko nito!

"Okay lang yun....", kampanteng sabi ko. Okay lang yun! Andun na si Dylan eh!

"Panu ka naman nakakasiguro?", ang kulit din nito noh? Sapakin ko kaya?

My heart belongs to you. (slow update)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن