CHAPTER13: Caleb

96 1 0
                                    

CALEB's POV:

My name's Caleb. Transferee ako from Titan High. Regular player ako dun sa soccer kaya lang dahil lumipat na ako ng school dahil nga lumipat na din kami ng bahay, dito na ngayon yung bagong school ko kung saan nakakilala ako ng mga bagong kaibigan.

Di masyadong kalakihan yung school na toh compared sa school namin na sobrang laki talaga. Elite school kasi. Dahil nga bago pa lang ako dito, wala akong masyadong background dito, o kung ano at saan ang pasikot-sikot dito.

Kaya nung first day of class, di ko akalaing andami palang tao dito. Tapos may pinagkakaguluhan pa silang teacher nun na ewan ko, hindi ko pa kilala, pero ngayon, alam ko na si Sir Dylan pala yung pinagkakaguluhan nila nung first day of class. 

Inaamin kong may dating talaga tong teacher na toh, sikat eh tsaka sobrang ma-aapeal sa mga babae. Nagulat nalang din ako na married na pala yun. Ang bata-bata pa, 22 ata? Tapos married na pala. Sino kaya napangasawa nun? I bet maganda yun kasi nga medyo gwapo din siya.

Una kong nakilala si Hana. Nakita ko siya nun sa may stairs na di ko naman akalaing magiging classmate ko pala siya sa ibang subjects ko. Narealize ko na maganda pala si Hana. Ni rerespeto ng mga kaibigan tapos, mabait. Pero tahimik tsaka di masyadong nagsasalita. Di ko naman din akalain na cousins pala sila ni Sir Dylan. Kaya naman pala maganda siya, magaganda pala talaga lahi nila?

Hindi ko alam kung gaano sila ka close pero nung isang araw na nasa canteen kami, binigyan ni Sir si Hana ng juice taz umalis na. Wow ha. May ganun talaga? 

Nakilala ko din yung ibang kaibigan niya. Sina Lea at Rea, mga kambal pala sila, sobrang synchronize in everything they say. Nakakamangha talaga. Tapos yung tatlong babae din na varsity sa volleyball, sina Fae, Yna, and Maureen, then yung bestfriend niya na si Ash.

Sobrang magkaiba sila ni Ash. Maganda din pala si Ash at ka neighbor ko lang! 

Nung isang araw, niyaya ko si Hana na sana panoorin yung practice game namin, yun din sana, sasabihin ko na...gusto ko sana siyang yayaing lumabas pero di ko naman nasabi kasi nga nahiya ako. Gusto ko lang makabawi dun sa pag sama niya sa akin dun sa first day of class. Oo, may gusto ako kay Hana, na love at first sight ata ako sa kanya. 

Kapal naman ng mukha ko kung yayayain ko siyang lumabas ng basta-basta nalang eh kabago-bago ko pa taz hindi pa niya ako masyadong kilala, di ko pa din siya masyadong kilala. So before ako mag confront sa kanya, kikilalanin ko muna siya, pati yung bestfriend niyang si Ash.

Isang araw, nung katatapos lang ng practice game namin, nagdecide kami na pumunta ng bar para mag unwind na kaunti. Di ko naman akalaing andun din sila Hana, at ang malala pa dun, umiinom sila! Kababaeng tao, mga lasenggera talaga! Lalapitan ko na sana sila pero naisip ko na mas maganda siguro kung sa malayo ko nalang sila pagmasdan.

Di ko alam kung ano ang ginagawa nila dito. Madalas kaya silang pumunta sa Heaven's Beershop? Hindi ko din alam yung mga pinag-uusapan nila, basta nakita ko nalang nag-iiyakan na sila dun na parang mga ewan. Tantsa ko, mga lalaki tong mga pinag-uusapan nila. Hayy. Ano ba kasing mga pagkukulang namin? Hehe.

Buong oras kong hindi inalis yung mga tingin ko sa kanila, hanggang nagsayawan na sina Rea at Lea, pati na din yung tatlo, sina Ash at Hana nalang ang naiwan sa dim na area ng table nila. Grabeh naman talaga silang makasayaw. Nakakatakot.

Umiiyak din silang dalawa na ewan ko. Heartbroken kaya sila? Pati si Hana? Dun ko narealize na baka may boyfriend na din pala toh si Hana. Baka wala na akong pag-asa dito. Sa dami ba namang bote na nakahelera na sa table nila, I'm sure lasing na si Ash at Hana, pero si Hana, nakahiga na talaga sa table. Gustong-gusto ko na silang lapitan nun pero pinigilan ko yung sarili ko, baka magmukha pa akong stalker nito.

My heart belongs to you. (slow update)Where stories live. Discover now