CHAPTER22: The battle starts now.

84 2 0
                                    

DYLAN's POV:

Nagising ako 4am ng umaga. Di ko namalayang nakatulog pala ako sa sofa sa may balcony. Gustuhin ko man kasing tumabi kay Hana ay di pwede. Mahirap na ding magkasakit ngayon lalo na't masakitin din tong' asawa ko. 

Pumasok ako sa kwarto para icheck si Hana. Thank God! Bumaba na ang lagnat niya. Hindi na siya masyadong maputla tsaka maayos na din yung paghinga niya. Inayos ko yung kumot niya tapos hinalikan siya sa noo. Nagluto na ako ng breakfast pagkatapos kong maligo at magbihis para sa school. 

"Uhhhnnn...", nagising si Hana. Nakabalot yung katawan niya ng kumot.

"O Han, ba't ka bumangon? Nagluluto pa ako. Humiga ka uli, ako na maghahatid sa pagkain mo.", ani ko habang siya namay nakatayo lang sa gilid ko tapos bigla akong niyakap sa likod.

"Thank you...", ani niya. Napangiti nalang ako

"Nagugutom ka na ba? Upo ka nalang dun sa mesa. Malapit na tong maluto.", parang bata eh sinunod niya agad yung sinabi ko at naupo na sa mesa.

""

Nilapag ko yung mainit na sabaw para may mahigop siya.

"Ubusin mo tong sabaw tapos eto, inumin mo tong gamot ok?", paalala ko. Tumango lang ito.

Kumain na kami. Tinitingnan ko lang siyang kumain. Medyo mabagal pero ok lang.^^ Ininom na din niya yung gamot. 

"Next week kana pumasok ok? Since thursday ngayon. Dadaan naman si Ash mamaya dito para ihatid yung notes ninyo nang makacatch up ka daw. Hapon pa ang uwi ko so make sure kakain ka ha? Tapos iinom ng gamot. Matulog ka din ng maaga para bumalik agad ang lakas mo. Okay?", tumango lang ito. Aba...nong nangyari? Naging masyado na ata siyang masunurin. Good.^^

"Okay. Aalis na ako. Magpahinga ka.", bago ako tuluyang makaalis eh niyakap na naman niya ako. Nakakatakot na to ha. Ano bang nangyayari sa kanya? Hehe.

"I love you.", ani niya. Niyakap ko din siya taz hinalikan sa noo. "I love you."

HANA's POV:

Yun lang ang pwede kong gawin sa kanya. Salamat Hon. Pangako, babawi din ako sayo. Pag nagkasakit ka, aalagaan din kita tulad ng pag-aalaga mo sa akin. Thank you God at nagkaroon ako ng ganitong asawa, na napangasawa ko si Dylan Hyun.

Nasa bahay lang ako. Nakatunganga sa harap ng tv. Eh wala akong magawa eh. Buong araw akong nakalapag sa kama, ngayon parang ayaw ko ng matulog dahil I'M FEELIN' SO FREAKING GOOD AGAIN!!^^ Thanks to my labs!

Para naman malibang ako, nilinis ko nalang yung bahay. Kagagaleng ko lang sa sakit nagpapagod na naman ako. Ayos ha. Ako na talaga! Pagkatapos eh nag-aral na ako, next week a pala yung midterms tapos wala pa akong mga bagong notes. Sana talaga makacatch up ako!

Hapon na, nagtext si my labs na kumain na daw ako, wag instant noodles. Initin ko nalang daw yung chapsuey sa ref. YUCKKK!!! GULAYY!!! Wala akong mahems! Kelangan ko tong kainin. Ayun! Umiiyak ako habang kinakain yun. Ininum ko na yong gamot tapos nag-aral uli. Sa ilang oras na pag-aaral ko, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Han...Han...gising...Ba't kaba natutulog sa sahig?", may naririnig akong boses, pero di ko alam kung sino..Dylan? Sobrang antok ko pa, ayaw ko pang gumising...

Pag gising ko, 7pm na. Nasa kwarto akoo. Teka? Ano nga ba yung huli kong ginawa? Ok...nag-aral ako sa balcony tapos..yun...nag-aral ako taz nakatulog pala ako...pero ba't andito ako? Oh MY G!! Binuhat niya ako? Eeeeee!!! >__<

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Ash, nanonood ng tv.

"Yo!", ani nito

"Ash? Napadaan ka?"

My heart belongs to you. (slow update)Where stories live. Discover now