Ch39: Reservation of first dance

Magsimula sa umpisa
                                    

“Last 30 seconds, last 30 seconds...”

Nagkocountdown na 'yung teacher, ibig sabihin nun, magpapalit na daw into romantic songs. I know, ang arte talaga ng school na 'to hindi ko na mawari sa kaartehang nangyayari.

“Last 15 seconds…”

Nagrereklamo 'yung mga kabatchmates ko na huwag daw muna mag romantic songs dahil masaya pa sila sa party songs, minsan iniisip ko kung highschool pa ba 'tong mga taong to eh.

“Last 5 seconds…”

Pagtingin ko sa isang parte, nakita ko si Enzo…nakatingin siya sa akin. Kinabahan ako, as in 'yung puso ko, sobrang lakas ng kabog na parang gusto ng kumawala sa ribcage ko. Napalinga linga ako ako sa ibang lugar at may particular na tao ang hinanap ng mga mata ko…pero, wala siya.

Pagtingin ko ulit sa pwesto ni Enzo, naglalakad na siya… papunta, sa pwesto ko?!

Hindi na nawala ang kaba na nararamdaman ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya at nag iba na ang lights tapos… naging romantic 'yung song.

I-Isasayaw kaya niya ako?

Hindi ako mapakali, I know masyado akong nag aassume na may magfifirst dance sa aking “someone” pero kasi, parang ano kasi—teka, bakit napatigil siya sa paglalakad?

After 0.862 seconds, napaatras ako ng kaunti sa biglang may nag appear na kamay mula sa likuran ko. Napatingin ako sa kamay na parang nakalahad tapos lumingon ako sa likod at nag init bigla ang pisngi ko ng makita ko siyang nakangiti sa akin.

“Pwede ba kitang masayaw?”

Out of the blue, napangiti ako at iniabot ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. Habang naglalakad kami ng magkahawak ang kamay papunta sa gitna, ang bilis ng tibok ng puso ko. Pumwesto kami hanggang sa pinaka gitna.

Hindi ako makapaniwala… totoo ba 'to?

Magkatapat kaming nakatayo, naiilang ako, hindi ako makatingin sa kanya ng maayos! Unti-unti ay hinawakan niya ang bewang ko… kinilabutan ako ng gawin niya 'yun at unti unti, pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa leeg niya.

Ramdam ko ang init ng mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko, ewan ko pero ang sarap sa pakiramdam pero sobrang nahihiya ako at hindi ako makatingin, nakayuko lang ako.

“Oh bakit ka nakayuko?” Natatawang sabi niya, napangiti ako kahit hindi naman niya nakikita dahil nakayuko ako. I really can't believe this.

“Sigurado ka ba dito?” Mahina kong tanong. Nakatayo lang kaming dalawa kahit na parang magkayakap na kami sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

“Saan?”

“Na ako… first dance mo?” Narinig kong tumawa siya at nagulat ako ng bigla niyang iniangat ang ulo ko para magtama ang mga tingin namin.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon