Maraming beses na rin pala pero kahit isang thank you, wala man lang akong nasabi sa kanya. Nalungkot tuloy ako. Hays. Sobrang sama ko na ba kay Jeydon?

Dahil sa asaran namin, sa inisan, hindi ko na napansin 'yong mga magagandang bagay na nagawa niya para sa 'kin.

Sorry, Jeydon.
"Ayan! Ang ganda-ganda mo na Candice!"

"Ang galing mo, Salt. Candice, you're a goddess."

"Oo nga. Thank you, mga bakla, ha? I couldn't have done this without you two."

Ang bilis naming natapos. Nag-group hug silang tatlo noong nakita nilang okay na ang lahat. Tapos nagpaalam muna silang aalis para maki-update kung anong next na gagawin namin.

Noong pagkatayo ko, lumapit naman sa 'kin 'yong classmates ko. Nakatingin silang lahat sa 'kin.

"Candice, ang ganda mo."

"Candice, grabeng makalaglag-panga."

"Wow! For sure, mananalo na tayo nito."

"Hep, hep! Tama na muna 'yan! Tapusin muna natin 'yong mga banner. Tsaka 'yong mga pom- poms, okay na ba?"

"Malapit na 'to, Boss Troy," sabi Ginno.

"Tara, tapusin na natin! Excited na akooo." Parang bata naman si Six, nakakatuwa.

Bumalik ulit sila sa mga ginagawa nila. Hinawakan naman ni Troy ang balikat ko tapos hinarap niya ako sa may salamin.

"Ang ganda mo, Candice. For sure, mananalo tayo nito."

"Sana nga, Troy. Ayokong i-disappoint 'yong Section Eleven. Todo-suporta sila sa 'kin, e."

"Tiwala lang! Tsaka kahit na hindi ka manalo, panigurado namang susuportahan ka pa rin ng Badburn!"

"Badburn?"

"Buong Section Eleven, tapos kami ni Jeydon. 'Yan 'yong tawag namin sa grupo namin. Grupo ng mga gwapo!"

Speaking of... "Troy... si... si Jeydon, kumusta?" Hindi ako makatingin kay Troy. Nahiya akong itanong si Jeydon sa kanya. Mamaya, lagyan na naman niya ng malisya, e. Alam mo naman 'yong lalaking 'yon, number one sa pang-aasar sa 'kin kay Jeydon.\

"Dinala namin siya sa ospital kagabi."

Ospital? Gano'n ba kalala 'yong lagay ni Jeydon? Para akong nanigas. Sana hindi malala 'yong lagay ni Jeydon. Kahit aso't pusa kami, ayoko namang may mangyaring masama sa kanya. Isa pa, dahil naman sa' kin kaya siya nagkagano'n, e. Kung hindi niya sana ako inisip, sana nakaganti siya ro'n sa mga lalaki.

"Candice." Hinawakan ni Troy ang kamay ko. "Huwag kang mag alala kay JD."

"'Yan din ang sinabi mo sa 'kin dati pero anong nangyari? Napahamak pa rin siya!"

Nagulat yata si Troy sa sinabi ko. Napalakas kasi 'yong pagkakasabi ko sa kanya no'n. Pero napangiti na lang siya.

"Alam mo, Candice, masaya ako kasi nag-aalala ka na rin kay Jeydon..."

"Ha? Hindi, 'no? Kasi ano... dahil sa 'kin kaya siya napahamak... kaya ayun." E, sa ayokong aminin sa kanya na nag-aalala nga talaga ako sa abnormal na 'yon. Aasarin na naman niya ako, e!

"Hindi naman masamang mag-alala, e. Ikaw talaga. Don't worry. Alam mo, ang masamang damo, matagal mamatay! Okay?"

"Sabagay..."

"Intindihin mo na lang muna 'yong pre-pageant, okay?"

"Okay, boss."

Bumalik siya sa ginagawa nilang banner. Ako naman, umupo lang ulit sa harap ng salamin. Napangiti ako sa hitsura ko. Ang galing nina Sir Jason, napaganda talaga nila ako. Sana mapasama ako sa Magic 8. Hays, kailangan mag-concentrate sa pre-pageant.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें