Chapter 30: Preparation

Start from the beginning
                                    

Pagdating namin sa room, 'yong classmates ko, parang ang tahimik tapos nakasimangot. Anyare?

"Akala kasi nila, hindi ka na makakasali, e."

"Seriously? Kaya sila malungkot?"

Tumango lang si Troy.

"Classmates! Nandito na si Candice!"

Napatingin sila sa 'min ni Troy. As in lahat sila, ah, kasama si Sir Jason. Ilang segundo ng katahimikan.

1... 2... 3...

"Woohoo!" Lahat sila, nagsigawan. Akala mo, nanalo sa lotto na hindi mo maipaliwanag, e. Ano kayang nakain ng mga 'yon? Natawa tuloy ako bigla.

"See?"

"Oo nga... !"

Lumapit sa 'min si Sir Jason. May ngiti na rin sa mukha niya. Para siyang nabunutan ng tinik sa expression niya. "I'm glad you made it, Candice!"

"'Yon, o!"

"Mananalo na tayo niyan!"

"Go, Candice!"

Natuwa talaga ako sa kanilang lahat. Ramdam na ramdam ko 'yong suporta nila para sa 'kin. Kung dati, bale-wala ako sa kanila, todo-suporta na sila sa 'kin. Lumaki lalo 'yong ngiti ko.

"Dapat mag-ready na tayo!"

"'Yon nga po, Sir, e. Wala po akong dalang damit, e."

"Don't worry pinadala ko na 'yon dito kanina. May feeling kasi ako na dadating ka, e. Ito, o!" Inabot sa 'kin ni Troy 'yong paper bag na galing kay Ate Jaycee.

"Thank you, Troy."

"Good! Magbihis ka na muna, Candice. Tapos nandito 'yong dalawa kong sisteret para ayusan ka. Don't worry, Candice, kaya natin 'to. Fighting!"

Nagbihis muna ako ng dress na pinili sa 'kin ni Ate Jaycee. Sabi niya, 'yong blue dress daw muna ang isuot ko. Fitted iyon tapos maraming glitters. Pagkabihis ko, bumalik ako sa room. Lumapit sa 'kin 'yong dalawang baklang kaibigan ni Sir Jason. Salt at Pepper ang name nila. Ang cute! Sa lahat ng nga baklang nakilala ko, silang tatlo ni Sir Jason 'yong pinakagwapo. Sayang talaga. Hehe.

Si Salt 'yong nag-make up sa 'kin, si Pepper ang nag-ayos sa buhok ko. Tapos si Sir Jason, tinuruan naman ako ng mga gagawin ko mamaya. Sinilip ko sa salamin 'yong classmates ko sa likod namin. Gumagawa sila ng banners tapos si Troy 'yong nag-i-instruct sa kanila. Full support talaga ako ng Section Eleven. Touched naman ako ro'n.

Dapat mapasama ako sa Magic 8. Ayokong ma-disappoint silang lahat sa 'kin. Minsan ko lang silang makitang ganoon, e. Huhu! Kinabahan tuloy ako.

Kaso may naramdaman akong kakaiba. Parang may kulang, e. Parang walang nang-aasar sa 'kin... walang nang-iinis... walang maingay...

Si Jeydon!

Napalingon ako sa likod ko. Wala siya. Aish! Bakit nawala siya sa isip ko? Nasaan na ba siya? Okay lang kaya siya? Hindi ko naiwasang mag-alala para sa kanya.

Sana ayos lang siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Dahil sa 'kin kaya siya napahamak. Kayang-kaya niya sanang labanan 'yong mga lalaking 'yon kung hindi lang dahil sa 'kin.

Noon lang din pumasok sa isip ko... Ilang beses na ba akong iniligtas ni Jeydon?

Noong una, kay Brandon. Doon sa lalaking bumastos sa 'kin sa CR. Sa Powerpuff Girls. Tapos kahapon, sa mga lalaking 'yon.

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Where stories live. Discover now