“Because I don’t trust you. Pero kung gusto mo nang itigil ang war natin, pwede naman tayong maging invisible sa isa’t isa. Walang pakialaman. Hindi kita nakikita, hindi mo rin ako nakikita. Let’s act like we don’t exist in each other’s worlds for our entire college years. Ay correction, forever!” Mahaba kong paliwanag sa kanya. Sana naman ma-gets na niya ang gusto ko. Kung hindi pa, i-hahampas ko talaga sa kanyang pagmumukha ang bola ng basketball at volleyball.

“Fine. From now on, wala nang pansinan.” Nilahad pa niya ang kanyang kamay para makipag-shake hands sa’kin.

“Deal.” Tinanggap ko naman ang kamay niya. Pagkatapos nun, naglakad na ako palayo sa kanya

papunta sa gym para sa aming training.

After training, DLSU Dorm:

“YOU DID WHAT??!!!” Hindi makapaniwalang tanong/sigaw ni Mika.

Agad ko namang tinakpan ang kanyang bibig. Ang tahi-tahimik na sa dorm tapos bigla na lang mabubulabog dahil sa sigaw ni Mika.

“Oo nga kasi. At pwede ba, ‘wag kang sumisigaw. Baka magising ang buong dorm dahil sa ka-OA-han mo.”

“Pero seriously best. Really?” May-duda pa ring tanong ni Mika. Buti na lang medyo mahina na ang boses niya.

“Yup. We made a deal kanina. Walang pakialaman at pansinan from now until…”

“Until when?”

“Forever.” Pagtatapos ko.

“Forever? Weh? Kaya mo ba?” Pang-aasar sa’kin ni Mika.

“Syempre naman! Mas mabuti na ngang ganito kesa palagi kaming nag-aaway. At teka, di ba dapat masaya ka ngayon? Eh ikaw nga ang nag-suggest na ito ang gagawin namin in the first place!”

“Yeah but that was before I or rather, the entire world discovered that all this time, he’s been secretly harboring romantic feelings towards you.” Tinusok-tusok pa ni Mika ang tagiliran ko. Ang weird talaga ng babaeng ‘to.

“Romantic feelings? Eww! Hindi nga kasi ako ang tinutukoy niya. At isa pa, kung totoo man ‘yang sinasabi mo, bakit siya pumayag sa deal ko sa kanya na walang pansinan? If interesado talaga siya sa’kin, dapat gumawa siya ng paraan para maging friends talaga kami.”

“So inaamin mo na! Gusto mo rin palang makipagkaibigan sa kanya pero kailangan mo lang ng konting push and of course, gusto mong sinusuyo ka ni Thomas para pumayag ka sa gusto niya!” Para namang na-solve ni Mika ang biggest mystery ng buong mundo sa pagmumukha niya ngayon.

“Hindi ko sinabing gusto kong makipagkaibigan sa kanya!”

“Weh? Eh implied na nga sa mga sinabi mo kanina na if interesado talaga siya sa’kin, dapat gumawa siya ng paraan para maging friends talaga kami.” Pag-quote ni Mika sa sinabi ko.

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon