Sasagot na sana ako kay Tita kaso biglang pumasok si insan Lea na humihingal pa.

“Insan?”

“K-Kath…si D…J.” Mababakas sa mukha ni Lea ang takot at lungkot.

“A…Anong nangya…ri?” Nahihirapan na akong magsalita sa sobrang kaba ko.

“K-Kath..n-nagising na si DJ.”

        Biglang nagdiwang ang puso ko sa narinig. Hinila ko agad si insan para mapuntahan na si Daniel pero hindi naman ito nagpahila.

“Nagising si D-D..J…p-pero…”

   Naghihintay lang kami ni Tita Brianne sa susunod na sasabihin ni Lea.

“M-mas lumala. P-pinasok siya sa Emergency Room kaninang umaga—“

    Hindi ko na pinatapos si insan sa sasabihin nito. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng building na iyon.

**

    Nagmadali na akong pumasok sa ospital. Hindi ko na lang pinansin yung ibang taong nakatingin sa akin.

Daniel….please….kayanin mo.

   Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko.

“Kath, anak!”

    Niyakap ko agad si mommy nang makalapit ako sakanya.

“K-Kumusta na po s-siya?”

“L-ligtas na siya, anak….sa ngayon.”  Ang sabi ni mama habang  pinupunasan nito ang mga luha ko. Kahit na sinabi ni mama na maayos na ito, hindi pa rin ako mapakali hangga’t hindi ko siya nakikita.

“Ma? Nasaan po siya?”

   Huminga muna ito ng malalim bago sumagot, “Inilipat na siya sa kwarto niya.”

  Sinamahan na ako ni mama dun sa kwarto ni Daniel. At doon namin nadatnan sina tita Karla.

“K-Kath!” Niyakap ako agad ni Tita Karla nang makita niya ako.

     Kahit siguro sino ay paniguradong maiiyak sa makikita mong saya sa mukha ni Tita Karla.

“Tita…”

“Kath, nagising na siya! Nagising na ang anak ko!”

     Nung binitawan ako ni Tita ay agad kong nilapitan si Daniel. 

“Nakatulog siya dahil dun sa epekto nung tinusok sakanya kanina.” Paliwanag ni Tito.

     Hinaplos ko ang mukha ng tulog na Daniel. Mayngiti sa mga labi ko dahil sa sobrang saya ng nararamdaman dahil sa wakat after eight months ay nagising na ito.

“Ahm, Kath…nakita ko ito sa bag niya yung last niyang ginamit. Mukhang ikaw dapat ang humawak nito.” Iniabot ni Tita yung journal ni Daniel. Lalo naman akong panangiti dahil may nakalagay ng picture namin ni Daniel dun sa cover nung journal. Pagkatapos ibigay ni tita yung journal ay umalis na din sila. Gusto siguro nilang masolo ko si Daniel. Eight months ko na rin kasi siyang hindi nakakausap. Kaya laking tuwa ko nung nagisingna siya.

THE UNSEEN SUPERSTAR (KathNiel) [Finished]Where stories live. Discover now