Journey 6//

16.4K 313 13
                                    

Waaah. Sorry po sa kabagalan ko sa paga-update. >o< 

Congratulations to Daniel Padilla! His first concert was super successful! RocknRoll! /m\

About po sa dedication, mag-comment lang po kayo ng maganda. Hihi ;)

-Xoxo, InnocentPen! <3

 PS: Pakinggan niyo po ang song natin for this chapter (nasa side po) ang cool ni Chester See! 

Journey 6//

Naging maayos ang relasyon namin ni Daniel, kahit na may mga pagkakataon na hindi kami nagkakaintindihan ay ginagawan namin paraan para maayos.

Masasabi kong hindi perfect ang relasyon, hindi naman dahil sa kulang ang pagmamahal namin para sa isa’t isa. Kundi dahil, nagkukulang siya ng oras para sa akin. Isa siyang Online Celebrity, aminado ako dun kaya nga lagi siyang busy. Pero kapag may time naman siya, ay bumabawi siya sa akin. Pero may mga times din na nasisira yung mga date namin dahil sa mga ibang fans niya na lalapit sakanya kapag nakita siya habang magkasama kami. Wala naman akong magawa kung hindi manahimik na lang, kaysa namang ipagdamot ko si Daniel sakanila diba?

Kahit pumapasok kami sa University, kaunti pa rin ang time namin para sa isa’t isa. Magkaiba kasi kami ng schedule. Pero kahit na ganon, isa lang ang iniintindi ko…mahal ko siya at mahal niya ako.

**

Bibili sana ako ng makakain sa canteen nang mapadaan ako sa Music Room. Medyo bukas kasi yung pinto kaya rinig ko yung tumutugtog doon. Piano. May tumutugtog ng Piano. Sa lahat ng instruments ang Piano talaga ang gusto kong matutunan, kaso sa guitar ako natuto. Dahil gustung-gusto ko yung tunog ng piano pumasok ako sa loob para manood.

“I don't know you
But I want you
All the more for that”

Pagpasok ko pa lang narinig ko na yung boses, at alam ko na kung kanino ang boses na iyon.

 

“Words fall through me
And always fool me
And I can't react”

Ang ganda din ng boses ng kasama niyang babae. Sino kaya ‘to? Bakit parang close na close sila nung babae. Enjoy na enjoy sila habang tumutugtog ng piano habang kumakanta.

“Games that never amount
to more than they meant
will play themselves out”

Kung sino man ang makakakita sakanila ngayon, sigurado akong masasabi nilang, “Bagay na bagay sila!”

“Take this sinking boat and point it home
we've still got time
Raise your hopeful voice, you had the choice
you've made it now”

Habang tinitignan ko sila, nakaramdam ako ng matinding selos. Normal naman siguro sa lahat na kung makita mo ang boyfriend mo ng ganito, ay aatakihin ka ng selos.

    Kahit gustung-gusto ko nang humakbang palayo kaso hindi ko magawa. Bakit ganito? Bakit sobra akong nasasaktan kahit na hindi dapat? Hindi dapat dahil hindi ko pa naman alam kung ano ang totoo. Kung bakit sila magkasama.

THE UNSEEN SUPERSTAR (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon