Journey 12//

13.4K 296 16
                                    

A/N: Salamat po sa mga nagco-comment. Nakakainspire po talaga kayo! ;)

Journey 12//

 

“KATHRYN BERNARDO: THE UNSEEN SUPERSTAR”

“FIRST EVER APPEARANCE OF CHANDRIA”

“DJ PADILLA’S FIANCE”

    Naging mainit ang pangalan namin ni Daniel dahil sa video na ginawa ko. Buti na lang ay napaghandaan ko ang pangyayaring ito kaya nakakaya ko pa…pero mas kakayanin ko ito kung nandito si Daniel.

    Nalaman na din ang tungkol sa kondisyon ni Daniel, iyon ay dahil sa isang nurse ng hospital na nagkalat non. Kaya wala nang nagawa ang ospital kung hindi higpitan pa ang security nila para sa kaligtasan ni Daniel.

   Kasabay din ng video na iyon ang paglabas ng pinaka-unang album ko na “For His Love”.  First week pa lang ay nag-Platinum na agad, kaya natuwa ako….sulit ang pagod namin ni Daniel para dun sa album na iyon.

    

   “Kath, ready ka na? Tatawagin ka na in a minute.” Pagpapaalala nung isang staff nung TV Show kung saan magaganad ang first-ever-TV Guesting ko.

“Ready na po.” Tumayo na ako habang inaayos ng makeup artist ko yung dress na pinasuot sa akin.

“Alam mo na ang gagawin mo, Ms. Kath.  Kapag tinawag ka na, bubukas ito.” Tinuro nito yung nasa harapan namin.

“Magbilang ka muna ng three seconds bago lumabas, para mas intense. After nun, kakanta ka na. Tapusin mo muna yung chorus ng song bago ka lumabas dun sa box.”

    May parang glass kasi na itatago muna ang itsura ko habang kumakanta. Shadow lang daw ang makikita sa akin kapag nasa loob ako ng parang box na glass. Ewan ko nga sakanila kung bakit kailangan pa nila akong itago, samantalang nakita na ako ng madla. Basta ang sabi nila para daw sa title nila sa akin ng “The Unseen Superstar” kaya magpapaka-mysterious muna daw ako.

“For the past two years, we knew her for being ‘The Unseen Superstar” and last week she decided to end the title we’ve given her. This is actually the first time we’ll be seeing her on TV live! The singer behind the success of ‘For His Love’. Let us all welcome…Kathryn Bernardo aka The Unseen Superstar!”

---fast forward---

    Pagkatapos ng performance ko dun at konting pagpapakilala dun sa TV Show na iyon ay nagtungo na kami sa isang pinaka-kilalang radio station ng bansa. Dito ko piniling magpa-interview, hindi pa kasi ako handing magpa-interview sa TV ng live.

    Nagpatugtog muna sila ng isang kanta mula sa album ko bago mag-start yung interview.

“Sa totoo lang mga Heart-ers! Hindi ako masyadong makapag-chikka dito, sobra akong na-star struck sa kagandahan ni Ms. Kathryn Bernardo. Sobrang ganda talaga niya, nakuuu, kahit na sinong makakakita dito ay tiyak na maiinggit.” Ang ibig sabihin ni DJ Joyce sa ‘Heart-ers” ay ang mga listeners niya sa kanyang radio program na ‘Heart-to-Heart-talk’.

“Gusto niyo na ba siyang narinig na kumanta ng live?  Hintay na muna. Tatapusin na muna natin yung interview bago iyon. Para intense hihihi.”

THE UNSEEN SUPERSTAR (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon