Chapter 16

21 2 0
                                    

Jacob POV

Kanina pa hindi mapakali si Single sa upuan niya. At imbes na lamigin siya eh naiinitan pa yata. Kanina pa siya namumula

"May problema ba?" tanong ko

Naalala ko yung ka-date ko. Potek! Buti na lang pala nahila ako kaagad ni Single don. Blind date lang naman yun na pakana ng mga kabarkada ko. Mga gago! I-set up ba naman ako sa babaeng buo buo na nga ang red lipstick, yellow teeth pa!!

"Why are you frowning?" tanong sakin ni Xavier

Habang si Single..ayun sineen lang ako.

"May naalala lang. So bodyguard mo na si Single?"

"BAKIT?!!"

Sabay kaming napatingin kay Single na bigla bigla na lang sumigaw. Lalo pang namula yung mga pisngi niya. Langya! Ang cute niya.

"I won" nakangising sabi naman ni Xavier

May something ba sa kanila?

"Ang cute mo" I said grinning to her

"ANO?!" react kaagad ni Xavier

Ok. Confirmed. Kaibigan ko 'yan at hindi siya magre-react ng ganiyan ng dahil sa babae. At kanina ko pa napapansin ang madalas niyang pagtagalog.

"Iba na 'yan" kantyaw ko sa kanya

"Shut up Jacob"

"Hindi ako aso. Tigil tigilan mo 'kong lalaki ka at bibigwasan talaga kita" inis naman na sabi ni Single. Nawala na din yung pamumula niya

Brutal talaga. Kung sa kanya lang sana ako sinet up edi sana na-enjoy ko pa yung date. Maganda na nga masaya pang kasama. Hindi ka maboboring. Hahaha.

"Stop smiling" mariing sabi ni Xavier

"What's with it?" natatawa kong sabi

"Nakakakilabot Hakob. Nakakakilabot" Single said

Tuluyan na akong natawa. Pero nawala yun nang makita ko yung cellphone ko sa ibabaw ng table at sa kung sino man yung tumatawag

Single POV

"Gago! Tignan lang natin bukas mga tsong" dinig kong sagot ni Jacob doon sa kausap niya sa cellphone

Wala man lang ba siyang balak lumayo?

Ramdam ko yung titig ni jellyface sakin at nagsimula nanaman akong mamula

"Wag mo 'kong titigan ng ganyan"

Bakit ba lahat ng bagay na ginagawa niya, naaapektuhan ako ng ganto? Aish! Nakakauwi na talaga ako pero medyo malakas padin yung ulan na kita ko sa glass wall

"Bodyguard na kita from now on" sabi niya

"So?" mataray kong sabi

Halata namang nang-iinis lang siya. At ayokong makita niyang nagtagumpay siya sa pang iinis sakin kaya pilit kong tinatago ang pagkainis ko sa kanya

"You have to protect me"

Kalalaking tao poprotektahan pa? Pasalamat siya marunong ako tumupad sa usapan

"2 weeks lang" sabi ko

"1 month" he grinned

Ano siya sinuswerte? Ni hindi pa nga nangyayari, namomroblema na ako. Malamang magtatanong nanaman yung dalawang babae niyan kung bakit hindi na nila ako makasama o lagi na niyan akong wala. Psh!

"2 weeks. Take it or leave it" nakasimangot kong sabi

"Tss. Fine"

Tumayo ako at naglakad papuntang kusina. Bahala sila. Sa gutom ako eh. Hinayaan lang naman ako ni Jacob na natatawa pa. May pagka siraulo talaga.

Wala naman akong nadtnang maid sa kusina kaya nagbukas na lang ako ng refrigerator

"That's stealing" napahawak ako sa dibdib ko at lumingon kay Jellyface

"Ano nanaman bang ginagawa mo dito? Sinundan mo 'ko?" nakataas kilay kong tanong

Mukhang bad mood akong mokong

"Uuwi na ako. Ihatid mo 'ko" sabi niya

"At bakit kita ihahatid?"

"Gaano ba kahirap ipasok sa utak mong bodyguard na kita?" Inis niyang sabi

Siya pa talagang naiinis?!

"Sige nga sige nga. Paano kita ihahatid?" Hamon ko sa kanya. Wala akong sasakyan. So?

"It's not my problem anymore" tumalikod na siya pero muling nagsalita "Or borrow Jacob's car" sabi niya at nagtuloy tuloy na sa pag alis

Napasabunot ako ng buhok at napapadyak sa inis.

Yung jellyface na 'yon! Hindi porket gwapo siya at parang jellyace ang mukha niya! Ang sama sama naman ng ugali! Arrrghhh!!!

-

To be continued...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Name Is Single (ON-GOING)Where stories live. Discover now