Chapter 15

38 2 0
                                    

Single POV

Nang marinig ko na ang mga yabag nila palapit sakin..para na akong hihimatayin! Kinakabahan ako at hindi ko alam ang dahilan!

"This is my friend Xavier, Single. Pfft! Ang pikto talaga ng pangalan mo"

Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Jacob. Maka insulto sa pangalan ko..hindi naman kagwapuhan. Amp!

"Single?" rinig kong sabi ni jellyface

Humarap ako sa kanya. Nanlaki ang mata niya at tinaasan ko lang siya ng kilay

"Ano?" mataray kong tanong

Naiinis ako kasi kumalat yung video ng kalokohan niya at naiinis ako kasi hanggang ngayon, hindi parin ako nakakabawi

"Grascia" naka smirk niyang sabi

Abat! Loko to ah. Feeling close.

"Single? Grascia? Ano? Ano?" nalilitong singit ni Jacob

"Lubayan niyo nga ako" inis kong sabi

Walang pakialam kong tinaas yung paa ko sa table na nasa harapan ko. Nakasuot pa akong rubber.

"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? This is not your house and yet you're acting like-" pinutol ni Jacob ang sasabihin pa ni jellyface

"I don't mind at all. Gawin mo lang ang gusto mong gawin Single" nakangiti niyang sabi

Umupo silang dalawa sa mahabang sofa sa harap ko. Siyempre, yung table ang pagitan namin

"So pwede kong kaladkarin palabas 'yan?" tanong ko sabay turo kay jellyface

Nakakairita talaga yang mukha niya. Psh.

"What the?!" Jellyface

"Except that. Hahaha! Magkakilala pala kayo" sabi ni Jacob

Inutusan niya yung isang maid na dumaan para itimpla din ng kape ni jellyface. At agad naman siyang nabigyan.

"Hinahabol kasi ako" natatawang sabi ni Jellyface

Hinahabol? Sinong nanghahabol sa kanya? Ako? Tae niya.

"Gwapo eh" sarcastic kong sabi sabay irap

Feelingero nga naman!

Gulat na napatingin sakin si Jacob

"Naga-gwapuhan ka sa kanya?" tanong niya

Ang slow! Ugh

"Of course. Siya na ang nagsabi tol" mayabang naman na sabi ni jellyface

"Excuse me? Hindi ako nagagwapuhan sayo. I'm being sarcastic there moron!" inis kong sabi

Napa 'oh' na lang si Jacob at tumatawa naman na parang baliw si Jellyface

"Nakausap mo na ba ang mommy mo?" tanong ko kay jellyface

Mamaya umabot pa hanggang kay Kuya Hunter yung video. Patay nanaman ako. Though hindi naman niya hilig mag facebook. Pero kahit na!

"About what?" nakakunot noo niyang tanong

Pati si Jacob nakakunot noo

"About the video. Shunga-shungahan lang?"

"Oh. Not yet. Sino ka ba para sundin ko? Edi ikaw ang kumausap sa kanya" walang gana niyang sagot

Napaayos ako ng upo. Tsaka hinagis sa mukha niya yung magazine na nasa ilalim ng lamesa

"Damn! Do you know what kind of woman you brought here, Jacob?!" inis niyang sabi

My Name Is Single (ON-GOING)Where stories live. Discover now