Tinabig ko yung kamay nya. "wag mo ngang isama si Leon dito! Hindi naman nya ko pinilit lumabas eh. Nagkataon lang na SIYA yung nandyan. Nagkataon lang na SIYA yung pwede kong makasama habang wala KA at habang kasama ka ni ms. Shane!"

Kita ko sa mata nyang naiinis na rin sya.

Mas inis na ko.

Feelin ko puputok na talaga ako!

>_<

Bumuntong hininga sya ng malalim.

Hinilamos nya yung kamay nya sa mukha nya.

At tumingin sya ulet sa akin.

"alam mo. Kung hindi lang din ako pinagmukhang masama ng Leon na yan, hini sana ako magagalit ng ganito ngayon" maktol nya.

"Brian, walang kasalanan si Leon dito. Sana matandaan mong ikaw ang nagpapasok kay ms. Shane sa buhay natin" i answered him back.

He looked at me in disbelief.

"at ikaw din ang nagbigay ng pahintulot sa kanya na ganituhin nya tayo ngayon" matigas kong sabi.

Nilihis ko na lang yung tingin ko at nanahimik.

I can't believe na magkakaganito kami.

Sana na lang hindi nangyayare toh. Sana isa tong malaking panaginip!

Tumulo na lang bigla yung luha ko.

And I was shocked when Brian wiped it out for me.

Nakaiwas lang ako ng tingin habang ginagawa nya ito but I could feel his breath against my face. He is so near.

I can't help but to cry even harder.

"shhh Sofie, please don't cry..." bulong nya. He placed his both hands on my face.

Nakatingin lang ako sa baba.

Ayokong tumingin sa mukha nya.

Mas lalo lang akong naiinis.

NewlyWeds - KathNiel (DONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon