Chapter 28: Ice cream

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakakatuwa kasi kapag naaasar ka, e." Argh! Iniinis talaga ako ng abnormal na 'yon. Humanda ka lang talaga sa 'kin. Kapag ako nakahanap ng magandang timing para asarin ka, tingnan ko na lang. Kahit samaan ko pa yata ng tingin 'yon, walang palag, e. Sabagay, wala nga palang kinakatakutan 'yong lokong 'yon.

Binayaran ko na lang din 'yong cat food niya. May pusa pala siya. Hindi ko na-imagine na may alaga siya. Salbahe rin kaya 'yong pusa niya? Sabagay, like amo, like alaga.

"Miss pwede bang malaman 'yong pangalan ng kasama mo?" tanong no'ng cashier lady. Kinilig pa yata silang dalawa no'ng kasama niya. Si Jeydon lang naman 'yong kasama ko, 'di ba?

"'Yong abnormal bang 'yon?" Tiningnan ko siya, nando'n na siya sa labas, naghihintay.

"Ha, abnormal?"

"Ah, wala... Jeydon ang pangalan niya. Bakit?"

"Ang gwapo kasi niya, e!"

"Oo nga! Ehhh! Nakakatunaw 'yong mga tingin niya."

'Di nga? May gusto sila kay Jeydon? Ang dami talagang nabubulag sa kagwapuhan ng abnormal na 'yon. Buti na lang ako, hindi. Yuck! Never akong magkakagusto sa kanya. Baka tumanda ako bigla sa konsumisyon. Tsaka asa namang magkakagusto rin sa 'kin 'yong lalaking 'yon. Alam ko naman ang mga tipo niya, e—mga magaganda at sexy kagaya ni Stacey.

"Hehe. Okay."

"Alam mo ba 'yong number niya? Pahingi naman, o, please?"

"Oo nga, hindi ka naman niya girlfriend, 'di ba?"

"Ako? Hindi, ah!"

"E di, pwede mong ibigay sa 'min 'yong number niya? Please?" Nagmakaawa pa silang dalawa sa 'kin. Buti na lang wala akong kasunod sa linya. Kanina pa kasi kami ro'n, e, nakita ko nga si Jeydon parang naaasar na.

"Hindi ko kasi alam ang number niya, e. Hmm... ibigay n'yo na lang ang number n'yo sa 'kin."

"Waaah! Salamat, ate! Ang ganda mo na, ang bait mo pa!" Nambola pa.

"Ito ang number namin, o."

"Hehe, sige."

"Thank you, miss!"

Umalis na ako agad do'n, mamaya, kulitin pa ulit ako no'ng dalawang 'yon, e. Tsaka mukhang naiinis na 'yong abnormal na 'yon. Sabagay, dapat nga ay matuwa pa ako na naiinis siya, 'di ba? Kaso nakakatakot namang inisin 'yong katulad niyang parang dragon na anytime ay pwedeng bumuga ng apoy.

"Okay na. Hehe. Tara, balik na tayo sa shop."

Bago ako makatalikod sa kanya kinuha niya bigla 'yong dala ko. Ano kayang nakain niya? Parang naging gentleman bigla. Siguro nakonsensya sa pinaggagawa niya sa 'kin kanina sa loob ng pet shop.

Pagkatalikod ko sa kanya. Hinila niya bigla 'yong damit ko sa likod. Muntik na akong madapa sa sahig. Hala, ito na yata ang kinakatakutan ko. Gaganti na yata siya sa 'kin. Huhu! Lord, help me. Ginalit ko na 'yong dragon.

Hinarap ko siya. Seryoso lang 'yong mukha niya.

"Ba-bakit?" Nautal pa ako sa takot ko sa kanya.

"Ice cream."

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. Alam mo 'yong seryoso 'yong mukha niya tapos sasabihin lang pala niyang gusto niya ng ice cream? Akala mo, bata lang, e! Minsan nakakatawa rin pala 'yong si Jeydon. Sana gano'n na lang siya lagi, 'no?

Kaso ano pa bang aasahan mo kay Jeydon, e, abnormal 'yon?

"Oo nga pala, hehe. Sige, tara, sa Dairy Queen na lang tayo."

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon