"Ikaw daw" inis na sabi ko kay Zach.

"Alright!" Masayang sabi ni Zach tsaka binuhat si Ken.

"Wag mong ilalaglag yan sasapakin kita" sabi ko tsaka tumulong bumuhat ng mga bagahe.

After ng byahe mula sa Iloilo ay Nakarating na kami ng Manila. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman, Matuwa o kakabahan. Dito, Malaki ang possibilidad na magkita ulit kami. Anong gagawin ko? Kahit naman nasaktan ako noon hindi ko pa din nagawang magtanim ng galit kahit kanino. Pero isa lang ang ipapangako ko, Hindi ko na ulit hahayaang magkalapit kami. Kahit ang anak kong gusto niyang ipalaglag noon, hindi ko hahayaang malapitan niya.

Dumiretso muna kami sa condo ni Zach. Sabi niya Nagpahanda daw sina Daddy ng dinner para sa pagdating namin. Pagkadating na pagkadating namin ay nakatulog agad si Ken. Si Zach naman ay nagshower kaya nagayos na lang ako ng gamit namin. Naisipan kong maghanda ng mirienda, Gagawa din ako ng cookies dahil paborito iyon ni Ken.

"Si Ken?" biglang tanong ni Zach, Nakadungaw siya sa pintuan ng kusina habang half naked at pinupunasan ng tuwalya ang buhok.

"Natutulog" sagot ko.

"Buti naman at pinabayaan mong matulog, akala ko hahanap ka pa ng crib eh!" pangaasar niya.

Inirapan ko na lang siya, Maya maya ay narinig ko ang halakhak niya. "Damn Girl, Kulang na lang matabunan ng unan itong anak mo!" natatawang sabi niya, Dahil pinalibutan ko ng unan ang higaan para hindi malaglag si Ken.

Nang mag alaskwatro na ay nagayos na kami. Binihisan ko si Ken ng puting tshirt at brown na pantalon, Maputi ang Baby ko kaya naman bagay na bagay iyon sa kanya. Ako naman ay nagdress lang na kulay itim at sandals.

"Ang gwapo ng Baby ko!" sabi ni Zach ng makita si Ken.

"Syempre ang Mommy din maganda!" pangaasar nito sa akin.

"Dada!" tawag ni Ken Kay Zach tsaka kumapit sa paa nito.

"Tara na Baby!" sabi niya dito tsaka hinawakan ang kamay at sabay silang naglakad papunta sa pinto.

"Tara na, Grace..." tawag sa akin ni Zach.

"Mama! Ta!" tawag ni Ken sa akin habang pumapaypay pa ang kamay, Ta, ibig sabihin niya ay Tara.

"Wala naman siguro siya don" sabi ni Zach, nakasakay na kami sa sasakyan niya ngayon.

"Hindi naman yun ang iniisip ko, Ang iniisip ko eh kung paano tatanggapin nila Daddy ang tungkol kay Ken. Ang tagal kong hindi nagpakita sa kanila, Tapos paguwi ko may dala akong anak" paliwanag ko.

"Kaya nga andito ako diba?" sabi niya.

"Pero Zach, Hindi ko kayang magsinungaling kay Daddy" sabi ko.

"White lies, Grace. White lies" sabi nito.

Pagkadating sa bahay ay huminga ako ng malalim. Kaya ko ito, Para sa anak ko. Si Zach ang may hawak kay Ken habang naglalakad kami. Pagkabukas ng pinto ay agad kaming sinalubong ng mga tawanan, Agad ko silang nakita sa may sala. Si Daddy, Mommy, at si Kuya khurt.

"Grace! Anak!" gulat na sabi ni Daddy tsaka ako nilapitan at niyakap.

"Daddy..." naiiyak na tawag ko sakanya tsaka siya ginantihan ng yakap.

"NaMiss kita! Sobra sobra baby!" sabi nito sa akin. "Kayo din po, Daddy...Sorry Po" sabi ko.

"It's ok..." nakangiting sabi niya sa akin.

Agad kong natanaw si Mommy sa gilid nito.

"Good evening po, Ma"sabi ko. Nagulat ako ng agad itong nagalok na yakapin ko siya kaya naman hindi ko na iyon pinalagpas.

"I'm...I'm sorry for my attitude towards you. I'm so sorry, Akala ko kasi mawawala na sa akin si Rhia kaya ikaw ang napagbuntunan ko. But everything is fine now" sabi nito sa akin.

Tumango tango lang ako. "I'm sorry if we did not told you everything. Akala kasi namin mas makakabuti sayo if ikaw mismo ang makaalala ng lahat" paliwanag ni Daddy.

"It's ok Dad. Zach told me everything" sabi ko. Agad nabaling ang tingin nilang lahat kay Zach.

"Sino naman itong cute na batang ito?" nakangiting tanong ni Daddy habang nakatingin siya kay Ken na hawak hawak ni Zach.

"Apo mo Dad, Anak nila ni Zach" si Kuya Khurt na ang sumagot.

"Apo ko!? Goodness Grace! bakit hindi mo sinabi?" nakangiting sabi ni Daddy at agad nilapitan si Ken.

Agad siyang lumuhod at pinantayan ito. "Ang akala ko si Kervy ang boy..." nagtatakang tanong ni Daddy na pinutol ni Kuya khurt.

"Matagal na iyon Daddy, Wag na nating balikan" sabi ni Kuya.

"Mapansin ko lang! bakit ba ang init ng dugo mo kay Kervy? Eh diba nga, Close kayo nun!" tanong niya kay Kuya.

"Long story, Dad..." sagot ni Kuya.

"Tsk. tsk. Muntik mo na ngang mapatay sa bugbog" sabi ni Dad habang umiiling iling pa.

"Binugbog mo, Kuya?" gulat na tanong ko.

"Oo, Nung kadarating lang namin sa airport" sagot ni Dad sa akin. Agad kong pinagtaasan ng kilay si Kuya.

"Bakit?...He deserve it" nakangising sabi nito tsaka ka nakipagapir kay Zach.








(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now