Chapter 19

87K 2.3K 27
                                    

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Kervy pero natatakot talaga ako. First time ko siyang nakitang ganito, hawak hawak niya yung wrist ko at talagang masakit iyon.

"Kervy masakit!" sabi ko habang nagpupumiglas pero parang wala lang siyang narinig at tuloy tuloy papunta sa resthouse na tinutuluyan namin. Walang ring katao-tao, rinig din yung malakas na music sa hall at halatang nagsasaya sila.

Mabilis kaming nakarating sa resthouse dahil na din sa malalaking hakbang ni Kervy. Pagod na pagod ako dahil pilit kong sinabayan ang malalaking hakbang niya para hindi ako makaladkad. Agad niya akong padabog na binitawan at nilock yung front door, tumutulo na rin ang luha sa dalawang mata ko dahil sa takot at sa kaba. Lumayo ako ng kaunti sa kanya, Madilim pa at sarado pa ang mga ilaw kaya naman napansin kong hinanap niya ako matapos niyang ilock ang pinto.

Nagulat ulit ako ng may humawak sa braso ko at inakaya ako paakyat ng hagdan. Lalo akong kinabahan ng dinala niya ako sa kwarto niya, binuksan niya din ang ilaw at tinulak ako kaya napadausdos ako sa kama.

"Kervy hindi magandang biro toh" sabi ko sa kanya habang umiiyak.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako ha!? Paula!"sigaw niya sa akin, nakatayo siya at nakapamewang sa harap ko.

"Ano bang problema?" umiiyak na talaga ako dahil sobra akong naguguluhan.

"Anong problema? Ano yung nakita ko don? Diba problema yon?" galit na tanong niya.

"Wala naman kaming ginagawang masama! Na uut of balance lang ako kaya nahulog kami ng ganoon" paliwanag ko.

"I can't believe you Paula! Lalandi ka lang sa tauhan ko pa!" sabi niya na ikinagulat ko. Lalandi? ako? Nabigla ako sa salitang lumabas sa bibig niya. First time ever kong narinig yon.

Agad akong tumayo at sinampal siya. "Kapal ng mukha mong sabihing naglalandi ako!" sigaw ko sa kanya.

Agad naman sumama ang tingin niya sa akin at nakita kong bumakat yung kamay ko sa pisngi niya.

"I can't believe you Kervy! Ganyan pala ka baba ang tingin mo sa akin" dugtong ko.

"Anong tawag sa ginawa mo kanina ha? kung wala ka kasi doon edi sana hindi nangyari yon, kung nakinig ka kasi sa akin na wag kang lumabas edi sana hindi mo kasama yung lintik na Harvey na yon" Speech niya, Ha! Bwiset ano ko ba siya?

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo dahil wala namang tama sayo kundi yang alam mo lang" sabi ko at humakbang palabas. Pero pinigil niya yung braso ko at iniharap ako sa kanya. 

"Wag mo akong tatalikuran pagkinakausap pa kita!" madiin at galit na sabi niya.

"Ano bang pakialam mo sa gusto kong gawin ha!?" sigaw ko sa kanya, Agad humigpit ang hawak niya sa braso ko at halatang nanggigigil siya. "You hit my limits, Paula" sabi niya sabay halik sa akin.

Iba ang halik na toh, halik na alam kong galit siya, parang mabubura na yung labi ko sa ginawa niya. Nalasahan ko na din yung sarili kong dugo, Gusto ko siyang itulak pero mahigpit niya akong niyakap para hindi ako makawala sa kanya. Agad naman niyang pinaghiwalay ang mga labi naming dalawa at tinulak ako sa kama. Agad naman siyang tumungo at pumaibabaw sa akin. Nagawa ko siyang hampasin pero agad niyang nahuli ang dalawang kamay ko at ibinaon sa kama sa tabi ng ulo ko, Wala akong ginawa kundi humagulgol, Anong nangyayari sa Bestfriend ko?

Lubos akong nabahala ng lumipat ang maiinit niyang palad sa hita ko. Malaya siyang nahawakan iyon dahil nakadress lang ako. Habang ginawa niya iyon lumipat ang mga labi niya sa leeg ko kaya naman nagkaroon ako ng chance na makapagsalita.

 "Bes...Tama na" umiiyak na sabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung salitang Bes kahit kasi bestfriend ko siya hindi ganoon ang paraan ng pagtawag ko sa kanya. Yun na lang ang nakayanan kong sabihin dahil puro iyak na ang sumunod. Nagulat ako ng parang nabato si Kervy ng marinig ang mga salitang iyon.

"Kervy... Tama na" sabi ko ulit. Agad naman siyang bumangon at hinila ako at niyakap.

 "Shhh... I'm sorry. I'm sorry Paula, hindi ko sinasadya" pagpapatahan niya sa akin. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko. Sinubsob ko lang yung mukha ko sa dibdib niya. 

"Natatakot ako..." sabi ko at hinigpitan ang yakap sa kanya. 

"I know. I know... I'm so sorry..." ulit niyang sabi. 

"I'm sorry... Nagpadala ako sa selos" sabi niya ulit. Selos? 

Nang makakuha ng tiempo ay kaagad akong humiwalay ng yakap sa kanya at tumakbo palabas ng kanyang kwarto at nagkulong sa kwarto ko. Naguguluhan ako, hindi din tama ang ginawa niya. Nakatulog na lang ako habang umiiyak.    







(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora