Chapter 8

123K 3.1K 116
                                    

"Sabi nung doctor nilalagnat ka daw dahil diyan sa Sprain mo, tinawagan ko na din si kervy" pangaasar niya sa akin.

"Kuya talaga!. Eh ikaw? bakit nandito ka pa?" tanong ko.

"Mas importante ang little sister ko! kaya aalagaan kita" sabi naman niya, Ang swerte ko talaga kay Kuya Khurt ko!

"Thanks, Kuya!" masayang sabi ko.

Nakatulog ako pagtingin ko sa orasan sa 4:00 pm na. Grabe ang sakit talaga ng paa ko, tapos gutom pa ako! 

"Tsk... yan ang napapala! ng mga matitigas ang ulo!" biglang sabi ng lalaking nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Anong ginagawa mo dito!? papatayin mo ba ako sa takot!?" sigaw ko.

"Andito lang ako para bantayan ka, tapos pagbibintangan mo lang akong papatayin kita?" Supladong sabi niya.    

"Hoy! sino nagsabing bantayan mo ako!? Asaan ba si Kuya?" sigaw ko.

"Tsk. Tumahimik ka nga! naririndi ako sa bunganga mo eh! si Kuya Khurt may emergency meeting" sabi naman niya.

"Kervy, Bwiset ka! kung ayaw mong marinig yung bunganga kong putak ng putak, umalis ka na dito!" sigaw ko ulit.

Kumunot naman yung noo niya, mukhang iritadong iritado na siya, agad naman siyang tumayo sabay kuha ng Donut sa may side table ko at pinasak sa bunganga ko.

"Bwiset!" sabi ko sabay kain sa donut, gutom na talaga ako eh.

"Sus! Gutom lang pala!" sabi naman niya.

Inirapan ko lang siya sabay kain dun sa mga donut na dala niya, tinitigan naman niya ako. Bwiset ayoko pa naman ng ganoon.

"Uhm... may naaalala ka pa ba nung highschool tayo?" tanong ko naman.

Nagulat naman siya sa tanong ko, at yung kaninang sa akin siya nakatitig, Yumuko naman siya ngayon at bumuntong hininga, sabay iling.

"Uhm... pareho lang pala tayo!" masayang sabi ko.

"Kamusta naman yung araw mo?" tanong ko.

"As usual, nakakapagod" sagot niya.

"Wala ka bang date ngayon?" tanong ko.

"Meron, but mamaya pa naman yun, hihintayin ko na lang si Kuya Khurt umuwi, bago ako umalis." sabi niya, hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng ganang kumain.

Napayuko naman ako bigla,."Selos ka nanaman?" sabi niya sa akin sabay hampas ng unan.

"Triple ew ka! nakakadiri ka kaya! Ayoko pang mamatay, baka mamaya may sakit ka na" sigaw ko, sabay bato sa kanya nung unan ko.

Kumunot naman yung noo niya. "Edi sana hindi mo ginawa yon!" seryosong sabi niya, tsaka nag walkout. Siya pa may ganang magwalkout ha!

Binuksan ko na lang yung Tv tsaka nanuod, buti na lang at nauso ang remote.

"Nagaway nanaman ba kayo ni Kervy?" tanong sa akin ni kuya khurt.

Tinaasan ko lang siya ng kilay "Bakit? nagsumbong nanaman ba siya sayo?" pagmamaldita ko.

"Pagdating ko kasi nanduon siya sa may sala, nakaupo, kinakalikot yung cellphone niya." sabi naman ni kuya.

Hindi siya umalis? Hindi niya ako iniwan? Ano kikiligin na agad? agad agad ha, Grace!?

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now