Chapter 16

94.6K 2.5K 39
                                    

"Ano ba yan! Nagkalat ka nanaman dito sa sasakyan ko!" reklamo ni Kervy sa nagkalat na pagkain sa sahig ng kanyang mamahaling sasakyan.  

"Kasalanan mo!" paninisi ko.   

Kumunot ang noo nito, galit nanaman. "Ano nanaman ba ang ginawa ko?" inis na tanong niya.

"Basta! kasalanan mo" laban ko sa kanya.    

Nabigla ako ng hawakan niya yung magkabilang balikat ko at iniharap niya ako sa kanya. Hindi nanaman ako nakaimik at nakagalaw ng maramdaman ko nanaman yung labi niya sa labi ko.    

"Ang kulit mo. Gusto mo talaga atang hinahalikan kita eh!" pangaasar niya.

Nang makabawi mula sa pagkakahalik niya ay kaagad akong sumigaw. Bwiset! bakit ba kasi traffic pa! 

"Kung makatili ka naman" natatawang suway niya sa akin.  

"Walang hiya ka, Kervy! Ang bastos mo talaga kahit kelan ka!" sigaw ko habang pinapalo yung braso niya pero hindi man lang siya natitinag patuloy lang siya sa pagtawa. Sa huli ako na din ang tumigil dahil sa pagod. 

"Matulog ka na lang muna" sabi niya.

"Talaga! Kasi mababaliw ako pag nakipagusap pa ako sayo!" sigaw ko.

Naalintana ang pagtulog ko ng maramdaman kong may nagpapaulan ng halik sa dalawang pisngi ko. Minulat ko ang mata ko, nagulat ako ng makita kong nasa harap ko si Kervy, nakita niya ding nakadilat na ako pero pinapapatuloy pa rin niya yung ginagawa niya.

Pasigaw na sana ako ng mabilis niyang inangkin ang labi ko. Muntik na akong bumigay sa sensasyong ibinibigay niya, pero narealize ko ang gingawa nitong bestfriend ko kaya naman mabilis ko siyang naitulak.

"Ano bang ginagawa mo!?" sigaw ko, pero habol ko pa din ang aking paghinga. Naubusan ako ng air sa paghalik niya noh!

"Ayaw mo kasing gumising, tulog mantika ka!" natatawang sabi niya.

Hinampas ko siya sa braso. "Ganoon ba ang tamang paggising ha!" inis na tanong ko. 

"Wag kang sumigaw at baka hindi ko nanaman mapigilang halikan yang maingay na bibig mo! Kanina pa sila naghihintay oh!" sabi niya sabay turo sa harap ng sasakyan.

Bumilog ang mata at ang bibig ko ng makitang nandoon sila Joana at at mga kasamahan ko na parang bang gulat na gulat din.

Napasapo na lang ako sa aking noo at malumanay na bumaba. Hindi ko na inantay na pagbuksan pa ako ni Kervy ng pintuan kaya naman dumiretso na lang siya sa compartment at kinuha yung mga gamit namin.

Agad akong lumapit kila Joana pero nakatulala pa rin sila kaya naman agad ko siyang hinampas sa braso. 

"Huy..." tawag ko.

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "I smell something fishy" masungit na sabi niya sabay hila sa akin.

Nakabilog kaming lahat dito ngayon, hinihintay namin yung pagbibigay nila ng susi ng mga kwarto namin. Madaming resthouse sila Kervy dito kaya naman, Grupo grupo kami. Sa isang resthouse sampu ang pwedeng magstay, dahil sobrang laki nito.

Nagkanya kanya na silang grupo, lalakad na sana ako para sumama kila Lyka at Joana ng magsalita ng Kervy.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Malamang sa resthouse namin" sagot ko.

"Sino nagsabing sa kanila ka sasama? Sa akin ka sumama!" sabi niya sabay hawak sa wrist ko.

"Ano ka siniswerte!?" inis na sabi ko.

"Hindi! Baka ikaw! Kasi pag hindi mo ako sinunod, hahalikan kita dito mismo sa harap nila" nakangising banta niya sa akin. 

Napatili na lang ako sa inis at napapadyak pa.

"Mauna na kayo Joana, sa akin siya sasama" sabi ni Kervy sa mga ito. Mabilis silang tumango at naglakad palayo. Bago yon ay hindi nakaligtas sa akin ang mga mapangasar na tingin nila sa akin.     

Hinila ako ni Kervy sa isang resthouse nila, masasabi kong ito ang pinakamaganada sa lahat.

"Duon yung room mo" sabi niya sa akin sabay turo sa pintuang tanaw sa hagdanan.

"Buti naman!" sabi ko, sabay akyat dala ang maleta ko.

"Room pala natin" natatawang dugtong niya.

"Room natin your face! Bastos!" sigaw ko naman.

Nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto ng muli nanaman siyang magsalita."Siguraduhin mong nakadouble lock yan" natatawang sabi niya sabay taas ng mga hawak niyang susi.

"Nakakainis ka talaga!" sigaw ko.

"Sakit ng tenga ko sayo, Paula! But it's payback time, Baby!" sabi niya sabay takbo papunta sa akin.

"Subukan mong lumapit sisipain kita!" sigaw ko

"Wag mo akong sinusubukan" natatawang banta niya.    









(Maria_CarCat)

The Bachelor's Game (Great Bachelor Series #1)Where stories live. Discover now