1. Three Conditions

11.7K 353 21
                                    

Aouie's Point of View.

*tok *tok *tok

Bigla akong nagising sa isang ingay na nagmumula sa pintuan ng kwarto namin ni Kuya Xander. Tiningnan ko si kuya pero tulog na tulog pa rin siya. Napuyat ata kagabi sa movie marathon namin?

Masaya ako ngayon dahil wala na kaming pasok. Alam na this .Its the first day na summer vacation namin. Yehey! Party tayo! Chos! Ang saya kapag summer, wala kang gagawing mga school stuffs.

"Aouie? Xander? Wake up na." paggising ni mommy mula sa labas ng kwarto. Epal nga lang. Kailangan pa rin naming gumising ng maaga. Ewan ko ba? Nasanay na siguro si mama ng ginigising kami ng maaga?

"Gising na po." sagot ko naman kasabay ng paghikab ko.

Inaantok pa rin ako. Gusto ko pa ring matulog, dahil sa movie marathon na yun napuyat tuloy ako ng sobra. Pano hindi kami mapupuyat, 3 AM na kami natulog ni kuya Xander.

"Bumaba na kayo. Ready na yung breakfast sa baba." sigaw ni mommy ulit at narinig ko ang paglakad nito papalayo sa kwarto namin ni kuya Xander.

Ginising ko na si kuya Xander para mag almusal pero hindi niya lang ako pinansin. Sa ganitong oras , nananaginip pa yan. Ang sarap kaya matulog. Natulog na lang siya ulit.

"Kuya! Gising na." paggising ko sa kanya at niyugyog siya.

"Hmmm.. Inaantok pa ako." sabi niya sa akin pagkatapos ay pumikit ulit. Bahala siya dyan.

"Kuya naman eh. Gising na!" sigaw ko sa kanya sabay hila ng comforter ng kama niya.

"Ayoko! Gusto ko pang matulog." at tumalikod siya sa akin. Ay! Ang kapal ha. Talikuran ba naman daw ako.

"Ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo."

Pinabayaan ko na lang siyang matulog dun and ako naman ay naligo na lang. Daily routine ko kasi yun, tuwing gumigising ako naliligo na ako agad.

Pagkatapos kong maligo ay agad na akong bumaba para mag-breakfast. Binaba ko na rin yung pinagkainan namin kagabi. Ayun yung bakulaw, tulog pa rin hanggang ngayon. Hehehehe.. mapag tripan nga muna.

"Good morning mommy." sabay kiss ko sa cheeks.

"Good morning Aouie.Si kuya Xander mo. Gising na ba?" tanong ni mommy sa akin.

"Ayun po. Tulog na tulog pa rin." pagkasabi ko nun ay bigla naman akong napatawa. I wonder kung anong reaksyon niya kapag nakita niya yung mukha niya sa salamin. Paniguradong maiinis yun. Just wait guys, the show will start soon.

"Oh! bakit ka tumatawa?" pagtatakang tanong ni mommy sa akin.

"Wala po. Tara mom, kain na po tayo." yaya ko na lang kay mommy at natatawa pa rin ako hanggang ngayon.

Habang kumakain kami ni mommy ay may bigla kaming narinig na isang sigaw ng lalaki at si kuya Xander yun. Hinding-hindi ako magkakamali.

Maya maya pa ay nakita ko ng tumatakbo na si kuya pababa. Galit na galit ang ekspresyon ng mukha niya. Natatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya. PROMISE!!

"WHO DID THIS TO MY FACE?!" galit niyang tanong sa aming dalawa ni mommy.

Natatawa naman si mommy sa pagmumukha ni kuya Xander. Paano hindi siya magagalit eh ginuhitan ko lang naman ang mukha niya ng mukha ng pusa. Woah! Ang saya talaga niyang pag-tripan.

"I dont know." sagot ni mommy habang natatawa pa rin.

Tumingin naman ng ubod ng talim sa akin si kuya Xander. Patay tayo dyan! Baka nahalata tayo?

Inlove Ako Sa Kuya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon