Season 2 - Snippet

478 9 4
                                    

Marahan kong ipinikit ang aking mata at tahimik na dinama ang pagdampi ng hindi kalakasang hanging nagmumula sa dagat nitong lugar. Nakakagaan sa pakiramdam habang pinapakinggan ko ang payapang paghampas ng alon sa baybayin. Para itong musika sa aking pandinig. Malalim akong napahugot ng hininga nang muling manariwa sa aking isipan ang naging nakaraan ko. Ang mga pinagdaanan ko sa buhay na nagpatatag sa pagkatao ko. Sari-saring damdamin ang pumailanlang sa'kin. Napapangiti na lamang ako habang isa-isa yung binabalikan. Napalingon ako sa lalaking tumabi sa akin at humawak sa balikat ko. Ginawaran ako nito ng ngiti bago muling tumingin din sa sunod-sunod na paghampas ng alon sa baybayin.

Nanatili lamang kaming tahimik habang magkahawak ang aming kamay. Ito ang taong 'to ang dahilan kung bakit patuloy nagiging makulay ang buhay ko. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit nagagawa kong ngumiti at lumaban sa mga naging pagsubok ko noon. Hindi siya umalis sa tabi ko sa mga oras na naging mahina ako. Handa niya akong damayan sa lahat ng oras na kailangan ko siya.

"Kinley." tawag ko sa atensyon niya na hindi pa din inaalis ang tingin ko sa unahan. Humigpit ang kapit niya sa akin. Naramdaman ko ang paghawak niya sa pareho kong balikat. Marahan niya akong ipinihit papaharap sa akin na agad niya namang sinalubong ako ng matamis na ngiti. Ilang minuto kaming gano'n habang titig na titig kaming pareho sa mata ng isa't-isa. Walang nagsasalita ngunit animong nagkakaintindihan kami sa tinatapon naming tingin pareho.

"I love you." pambasag niya. Pagak na lamang akong napatawa sa sinambit niya at napaatras.

"Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" natatawa niya ding tanong. Nawala ang katahimikan at nabalot ng tawa naming dalawa ang lugar. Napahawak ako sa pulsuhan ng kamay niya nang masilayan ko ang nagtataka niyang mukha. Iniisip niya sigurong nababaliw na naman ako. Hindi ko lang talaga mapigilan na matawa sa tuwing ganun siya kaseryoso. Hindi naman kasi ganung tao si Kinley. Aakalain mong kagalang-galang dahil hitsura niya pero kapag nakilala mo siya, isa siyang malokong tao. Higit sa lahat, masarap siya kasama.

Pinigil ko na lamang ang tuwa ko dahil paulit-ulit na siyang nagkamot ng ulo at hindi na alam kung saan ibabaling ang kanyang mata.

"Okay na? Contented na?"

"Sorry na. Masaya lang naman ako kapag kasama ka eh." pumayakap ako sa bewang niya at ipinatong ang baba ko sa kanyang dibdib. Muli na naman kaming nagtitigan sa ikalawang pagkakataon. Ngunit maya-maya na naman ay napahagikhik na naman ako.

Bakit ba? Masaya lang ako matapos ng isang linggo naming hindi pagsasama. Tsaka ngayon na lang kami ulit nakapunta sa espesyal na lugar na 'to. Ang palaging pinupuntahan namin sa tuwing gusto namin magrelax sa mga nakakapagod na pangyayari.

"May nakakatawa ba sa mukha ko?" muli siyang kumalas. Humalukipkip siya at pumatalikod sa akin. "Nakakatampo na ah."

"Uy... Sorry na. Masaya lang talaga ako kasi nagkasama na ulit tayo." sinundot-sundot ko siya sa tagiliran niya na ikinaigtad niya. "Ngingiti na yan... Huwag na kasi magtampo. Sige ka! Babalik na lang ako doon sa dorm ko." mabilis siyang pumaharap sa akin at mariin na sinakop ng pareho niyang kamay ang pisngi ko dahilan para mag-pout ang labi ko.

"Okay! Okay! Basta huwag ka lang bumalik muna doon sa dorm mo." sinasabi ko na nga ba eh. Sa tuwing nasa dorm kasi ako at hindi niya ako kasama, maya-maya ang tawag niya sa akin. Kung ano-ano ang tinatanong para lang magkaroon ng dahilan na makausap ako. Pero sa totoo lang, sinisiguro niya lang kung nilalandi ba ako ng roommate ko. As if naman 'no! May Kinley na ako kaya wala nang dahilan para patulan ko ang mga lumalandi sa akin.

Inlove Ako Sa Kuya KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon