"Via please. Bumalik ka na sa kama." Kumakawala siya pero mas lalo kong hinihigpitan ang kapit ko.

"Just atleast let me sleep beside you tonight! Napipikon na ako! Ang mean mo!" Pasigaw kong sabi.

"Just because we're not the same old Via and Anton. Olivia we just lost our first child. Hindi talaga mababalik yung satin dati. We're supposed to be parents! We're supposed to get married and build our family together kapag nasa legal age na pero anong ginawa mo?"

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. So ako lang sinisisi niya sa pagkawala ng baby namin? The blame is all on me?

"So ako lang sinisisi mo kung bakit namatay ang anak natin? Anton you're hurting me! Hindi mo alam pero sinasaktan mo na ako!"

"Anong hurting ang pinagsasabi mo d'yan?" Kunot noo niyang tanong.

"Sa mga ginagawa niyo ni Sasha!" I finally yelled. Shut it, Via! You sound in love!

"Ang gulo mo!" Frustated niyang sabi. "Bakit ka masasaktan? Wala ka namang feelings sakin diba? At anong ginagawa namin ni Sasha? May masaba ba sa pagkakaibigan?"

"You don't understand!" maski ako ay hindi ko magets ang sarili ko. What are you up to, Olivia?!

"Ewan ko sa'yo.. Humanap ka ng kausap mo. Check mo sa facebook baka online 'yang Carlo mo." Aniya at humiga pabalik sa lapag.

Hindi ako nagpatinag.  Talagang tinabihan ko talaga siya. Nakayakap ako sakanya kahit nakatalikod siya sa akin.

"Anton..."

"Hmm?"

"Mahal na mahal kita."

"Hmm."

"Uyyy. Walang love you too?"

"Love you too."

"Pilit lang naman, eh..." It suddenly saddens me. Parang noon napaka genuine ng pagsasabi niya sakin kung gaano niya ako kamahal. Ngayon napipilitan nalang siya.

Maya maya'y naramdaman kong humarap siya sakin at niyakap ako ng mahigpit. He then kissed my forehead, "Alam na alam mo talaga na hindi kita kayang tiisin noh?"

"Bati na ba tayo?" Pumatong ako sakanya at niyakap siya sa kanyang liig

"Hindi talaga kita matiis kahit anong galit ko, onting lambing mo lang Olivia nalulusaw na agad ako." Aniya.

"Hehehe. I love you!" Mabilis kong hinalikan ang labi niya.

"I love you more..."

Hinalikan niya ang labi 'ko ng matagal. Hihiwalay na sana siya pero mas diniinan ko pa ang halik. Naguguluhan padin ako. Hindi ko padin talaga siguro kaya na mawala sakin si Anton. Masyado kong dinipende ang buhay 'ko sakanya.

"Anton... Sige na okay lang. Buntisin mo na ako ulit, aalagaan ko na at poprotektahan. Promise. Para matali na ako sa'yo ng tuluyan." I smiled. Ayoko. Ayokong mapunta sa iba ang beastfriend ko. Akin lang siya.

He chuckled at kinurot ng marahan ang ilong 'ko, "Silly girl. Matulog na tayo."

Sa gabing iyon ay naging maayos ang tulog ko. Finally ay okay na kami ni Anton. Finally napatawad niya na ako. Finally babalik kami sa dati.

"Hinding hindi kita ibibigay sa iba... Akin ka lang. Akin ka lang. Okay? Akin ka lang." Paulit-ulit kong bulong sa humihilik na si Anton.

Madamot na kung madamot. Aangkinin ko ang dapat sa'kin. He's mine. Only mine. He doesnt deserve anyone but me.

"Hoy Anton."

"Patulugin moko Olivia.." Aniya habang pikit ang mga mata. Alas tres na ng madaling araw pero gising na gising ang diwa ko.

"Mahal na mahal kita okay?"

"Oo."

"Akin ka lang."

"Oo..."

"Mahal mo ba ako?"

"Sobra."

"Gumising kana! Kausapin mo ko! I can't sleep!"

"Hmmm.. Tulog kana"

"Kiss ko muna?"

Kahit nakapikit ay nahalikan niya ang labi ko. Napangiti ako at pinilit na makatulog. Thank you so much Papa God sa isa pang chance. I promise to value Anton more than he deserve.

Ang gago kong beastfriendजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें