083

1.9K 121 19
                                    

03:18 pm

Mimi: hoy Gino putangina mo naman e :(

Gino: bat mo ba ako minumura

Mimi: sorry na pero kasi... ugh

Mimi: alam ko naman na talaga na ikaw may pakana lahat ng nangyayari sakin sa school

Mimi: una yung rose chuchu

Mimi: tinanggi mo pa gago e ikaw naman talaga yon

Mimi: kajirits ka

Gino: bat ka ba naiinis sakin

Mimi: sa mga ginagawa mo, lagi akong pinapansin ng mga tao sa school tas pinagbubulungan ako tas ngingiti sila na parang tanga

Mimi: tas kanina asdfghjkl

Gino: ?????????

Gino: teka ano nga bang date ngayon?

Mimi: bat ka ba tanong ng tanong ng date wala ka bang kalendaryo?!

Gino: tinatamad ako e

Gino: dalii ano na

Mimi: 9

Gino: thank you. sige magkwento ka na

Mimi: kahit alam mo naman talaga????

Mimi: kasi nga ikaw yung may gawa???

Gino: eh sige na magkwento ka na...

Mimi: oo na

Mimi: kasi kanina parang naging glee yung student body

Mimi: isa isa silang nagsipagkantahan at ako lang ang walang alam

Mimi: kung hindi naman kumakanta nakangiti lang... sakin?

Gino: nyek

Gino: baka naman trip lang talagang kumanta?

Mimi: FEELING KO KASI HINDI EH

Gino: bat naman

Mimi: kasi may ilang babae at lalaking humila sakin sa hallway pagkatapos kong mag locker

Mimi: sabi ko bakit, tas ayon nakangiti lang

Mimi: nakakagago ah

Mimi: tas ayon, hinila nga ako sa hallway tas may papiring piring pa silang nalalaman tas nakasunod pa rin yung mga kumakanta

Mimi: medyo nasigawan ko na sila kasi malay ko ba baka kidnapin nila ako or what pero sabi nila "relax because this is gonna be fun"

Mimi: kaya tumahimik nalang ako

Gino: tapos?

Mimi: tas maya maya nagtitili na yung mga babae pero may mga kumakanta pa rin

Mimi: tas may humawak sa kamay ko...

Mimi: di ko alam kung lalaki ba o babae kaya di ako nakagalaw

Mimi: ang lambot ng kamay niya kaya naisip ko baka babae

Mimi: tas may pinahawak siya sakin na malambot, nung naramdaman kong harmless naman yung binigay niya eh niyakap ko na

Mimi: pagkatapos nun hinawakan niya ulit yung kamay ko at ginulo niya ng konti yung buhok ko.

Mimi: pagkatapos ata ng isang minuto inalis na nila yung piring kaya nakita ko na kung ano ba yung niyayakap ko

Mimi: si pooh ata yun. pero malayong malayo sa itsura ni pooh. pero cute naman siya.

Gino: bakit naman may ata?

Mimi: kasi kulay dilaw rin siya, kulay red yung pantaas pero walang salawal

Gino: grabe

Mimi: totoo naman e

Mimi: tapos, hinanap ko agad yung nagbigay nun sakin kasi baka nandun pa

Gino: tapos??

Mimi: may nakita akong lalaki, tumatakbo na siya palayo.

Mimi: naka blue t shirt at naka black snapback.

Mimi: Gino pLS MAGSABI KA NGA NG TATAA

Mimi: ano bang suot mo kanina?????

Gino: aquamarine.

Mimi: EH BLUE RIN YON E GAGO KA BA?!?1?2!!!6!!3!!9

Mimi: kung ano man ang ginagawa mo pls tigilan mo na

Gino: oo ako nga yon.

Mimi: NANDITO KA NA PALA?!??2??

Gino: oo, pero Mimi naman, wag mo akong patigilin sa mga ginagawa ko.

Mimi: bakit???!??!???

Gino: nakalimutan mo na ba?

Mimi: NA ANO???

Gino: nililigawan kita di ba?

Mimi: . . .

Mimi: oo nga pala hehe sorry.

Mimi: pero bakit ayaw mong magpakita sakin?

Mimi: kasi nahihiya na ako sa school...

Gino: wag ka ngang mahiya sa kanila.

Gino: soon. makikita mo uli ako.

Mimi: pa thrill ka pa

Mimi: eh nakita naman na rin kita

Gino: basta

Gino: ano palang gagawin mo bukas

Mimi: at bakit

Gino: tinatanong ko lang naman.

Mimi: may costume party. pamalit sa halloween party. pero pwedeng mag halloween costume. ewan ko ba sa school namin. bago raw magbakasyon magpaparty.

Gino: pupunta ka?

Mimi: eh pupunta ka ba?

Gino: bat naman ako pupunta taga diyan ba ako

Mimi: pilosopo ka ah

Mimi: oo required pumunta

Gino: ge gandahan mo costume mo ah

MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon