“Matagal na nga! Pero pumayag ka. Kinunsinte mo yang anak mo! At ano yung nalaman ko? may nangyare daw diyan at sa lalakeng kasama niya!” sigaw niya.

Agad ulit kaming napatingin sa pinto kung saan nakatayo ang isang lalake.. Yung lalakeng hindi ko nakita ng tatlong taon.. Halos mapatulala na lang ako habang nagkatitigan kami.. Ang laki ng pinagbago niya.. Mas nag matured pa lalo ang itsura niya.. Isa na siyang CEO. Bakas naman sa kanya ang awtoridad. Walang duda.

"Ikaw! Ikaw ba yung lalakeng kasama nitong apo ko?!" Galit na sigaw ni Lolo kay Clyde.. Hindi ko alam kung baket napako na lang ang mga mata ko sa kanya.. Hindi ko alam kung baket nararamdaman ko to.. Kakaiba..

“Lolo..” Pag pigil ko kay lolo na akmang lalapitan si Clyde. Tatlong taon na ang nakalipas kaya gusto ko ng ibaon sa limot ang lahat.. Sawa na ko sa ganito. Sawa na ko sa away, sa iyakan, sawa na ko sa lahat..

 

 

“Wag kang maki-alam ditong bata ka!” Singhal niya sakin.. Bakas sa mukha at boses niya ang sobrang galit. Sino nga bang hindi? Tumira lang naman ang apo niya sa isang bahay kasama ang isang lalake..

Lalakeng minahal ko..

Pero ayoko na. Sawang-sawa na ko sa puro iyak na lang.. Malaki na ko at hindi ako papayag na kontrolin na lang niya ko.. Ginawa na sakin ni mommy 'to. Hindi na ulit ako papayag na sigaw-sigawan na lang..

“Lolo naman! Wala ka naman kasing alam sa mga nangyayare. Wala kang alam, Lo! Wala! Kaya pwede ba lo? let's forget all this..” Sigaw ko sa kanya habang mabilis akong tumakbo palabas at iniwan silang lahat na gulat sa loob.

Hindi ko alam kung san ako pupunta.. Madilim na din at tanging mga bituin na lang ang nagsisilbing liwanag. Huminto lang ako sa kakalad ng naramdaman ko yung sakit ng mga paa ko.. nahihirapan din akong huminga.

Pero mas nahihirapan ako sa nararamdaman ko..

Saturn's POV

“Lolo naman! Wala ka naman kasing alam sa mga nangyayare. Wala kang alam, Lo! Wala! Kaya pwede ba lo? let's forget all this..” Kitang-kita ko sa mukha ni Selena yung galit at sakit.

Agad-agad naman siyang tumakbo palabas. Nagkatinginan lang kami ni Clyde at ni Crayon bago ako tumakbo palabas..

Palabas para sundan yung babaeng mahal ko..

My Pervert Roommate (COMPLETED)Where stories live. Discover now