Chapter 45

109K 1.5K 237
                                    

CHAPTER FOURTY FIVE

CLYDE’S POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis nanaman si Selena. Ganyan ba talaga ang mga babae? Mang-iiwan na lang ng basta-basta? Nandito lang ako sa condo, nagpapaka-lasing sa alak. Hindi ko naman pwedeng sundan si Selena ng agad-agad dun. T*ngina talaga buhay. Lagi na lang.

“Naglalasing ka nanaman pre!” Agad akong napatingin kay Mike na kakapasok lang ng apartment. 

“Pake mo?”

 

“Iniwan ka lang ni Selena. Hindi ka namatayan. Umayos ka.”

 

 

“Hindi kasi ikaw ang iniwan.”

 

 

“Alam ko. Pero naranasan ko na rin ang maiwan. Kaya pwede ba pre? Umayos ka nga. Hindi bagay sayo ang mag drama.”

 

“Hindi ako nag dra-drama.”

 

  

“Nagpapaka-emo lang? Tss. Pre, sundan mo na lang kasi!”

 

 

“Sa tingin mo ba ganun ganun lang yon?” tanong ko sa kanya at tinungga ang isang beer. Putcha. Ilang beses na ba kong iniwan nun?!

“Pre, pano pag iniwan ka ni Selena dahil buntis siya?” Agad akong napatigil sa sinabi niya. Buntis nga ba si Selena?! Pero wala naman siyang sinasabi sakin.

“Hindi siya buntis.”

 

 

“Alam ko. Malay mo may magandang rason naman siya.”

 

 

“Walang magandang rason para sakin. Iniwan niya ko pero mahal na mahal ko pa rin siya! Putcha talaga!”

 

 

“Sundan mo. Mahirap pero kung mahal mo, kakayanin mo. Ge, alis na ko.” Sabi niya at lumabas na. Naiwan lang akong nakatanga. Malapit na ang next sem kaya paano pa ko aalis?! Isa pa, kailangan ako ni papa ngayon dahil tuturuan na niya ko sa mga bagay tungkol sa kompanya.

Kailangan nanaman bang mamili?

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon