Chapter 50

118K 1.7K 506
                                    

MADAMI PONG CHANGE OF POV. 

 Crayon's POV

Tatlong linggo ng maka-alis sila Selena at Saturn. At ngayon naman, nandito na rin ako sa pinas. Hindi na rin ako bago dito dahil dito talaga ako nakatira. Nagpunta lang ako ng cali. Dahil sa mama ko at dahil na rin sa girlfriend ko.. Nagkaron siya ng brain tumor. Araw-araw ko siyang nakikitang nahihirapan. Araw-araw may pagbabago sa kanya.. Halos lagi ko siyang nakikitang nagsusuka, sumasakit ang ulo.. araw-araw yan ang nasasaksihan ko.. Mahirap, masakit kaya nga nung araw na nakita ko si Selena sa hospital, alam ko na magiging isa ako sa karakter sa buhay niya..

Alas-singko na din ng hapon. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Selena dahil hindi ko naman naitanong kung san ba ang address nila. Kaya naman isang lugar lang ang pinuntahan ko. Dito, sa apartment ni Selena at Clyde.. Na-kwento niya sakin na magkasama silang nakatira dito. Dito sa apartment na'to nagsimula ang lahat.. Malakas na sigawan ang narinig ko kaya naman dali-dali akong pumasok at hindi ko akalain na siya, sila ang makikita ko...

Clyde's POV

Nagmadali akong lumabas ng opisina at sumakay sa kotse ko. Tatlong linggo na simula nung dumating si Selena dito. Hindi pa kami nagkikita, hindi ko pa siya nakikita. Puro sa mga TV Interviews ko lang siya nakikita. Lagi niyang kasama si Saturn. Walang duda dahil sila naman.. Nakakaselos lang talaga. Tangina.

Ako dapat yun at hindi siya.

Nagda-drive lang ako papunta sa dating apartment namin ni Selena. Simula nung hindi na siya bumalik, hindi na ko dun tumira. Bumili na ko ng sarili kong condo, pero binabayaran ko pa rin ang renta sa aprtment na yon. Masyadong madaming alaala kami ni Selena dun kaya hindi ko hahayaan na may tumirang iba dun.. Halos araw-araw din akong dumadaan dun.. nagbabakasakali na makikita ko siya..

Pagkarating ko dalawang sasakyan ang nakaparada kaya naman agad akong bumaba ng kotse ko at tumakbo papasok... At hindi ako nagkakamali ng inakala.. Nandito siya, sila..

Selena's POV

“Ano Peter?! Hinayaan mong tumira yang anak mo sa isang apartment kasama ang isang lalake?!” Galit na galit na tanong ni lolo. Hindi pa rin siya nagbabago. Strikto pa rin siya sa lahat ng bagay. Nandito kami sa dating apartment namin ni Clyde. Kasama ko si Papa at Saturn. Pero hindi ko akalain na pati si Lolo mapupunta dito.. At hindi ko rin inaasahan na maririnig niya lahat ng pinag-uusapan namin..

"Selena.."

Napatingin kami agad sa isang lalaking pumasok. Si Crayon. P-pero paano siya nakarating dito? At baket din nandito siya?

“Pero Pa! matagal na yon—“ Sabi naman ni dad na agad pinutol ni lolo. Ni hindi sila nagbigay atensyon kay Crayon na lumapit sa tabi ko. Hinawakan lang ni Saturn ang kamay ko. Assuring me that he's here for me..

My Pervert Roommate (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon