NG at NANG*Part 2*

238 4 2
                                    

Ito na po ang kasunod ng Nang at Ng part 1! Kung akala mo'y alam mo na ang lahat ay sa tingin ko'y hindi pa dahil mas lalo pa nating papalawigin ang iyong kaalaman patungo sa tamang paggamit ng mga salita. 

Kaya Handa na ba kayo? *Insert Korina's Voice hahaha*

Ano ang mga wastong gamit ng "NANG"?


*Maaaring ipalit ang salitang NANG sa salitang NOONG o when sa Ingles*

Halimbawa: 

Nang bata pa ako tinuruan ako ng aking lolo kung paano sumayaw.

Nang mga oras na kumakain ako ay nasa bookstore na siya.


*Maaaring ipalit ang salitang NANG sa salitang UPANG AT PARA*

Halimbawa:

Kumain kang mabuti nang may maisagot ka mamaya sa inyong pagsusulit.

Maghimalos ka nang maalis ang mga alikabok sa iyong mukha.


*Upang magandang pakinggan ang NA*

Halimbawa: 

Maaari ka nang umalis sa pamamahay ko.

Puwede ka nang magsulat muli gamit ang notebook na ito.


*Kapag katabi ang salitang MAAGA o early sa Ingles*

Halimbawa: 

Uuwi ako nang maaga bukas para sa birthday ng aso namin.

Ako'y lumabas nang maaga kahapon sa bahay dahil sa narinig kong putok sa labas.


Ano naman ang wastong gamit ng "NG"?


*Kapag sinagot ang katanungan na KAILAN*

Halimbawa:

KAILAN UMUWI SI TIMMYME?

Umalis ng hapon si timmyme.


*Kapag tungkol din sa ORAS at PETSA*

Halimbawa: 

Sa ikapito ng Nobyembre ang kanyang kaarawan.

Alas siyete ng umaga ako nagising. 


*Kapag SAKSAKAN NG, UBOD NG, PUNO NG* Basta ang itinutukoy rito ay ang hitsura ng tao, bagay atbp.

Halimbawa: 

Saksakan ng guwapo si timmyme.

Ubod ng ganda ng aso nina Aling Purita at Manong Purito.


Iyan lamang po ang aking maibabahagi sa inyo. Nawa'y  may napulot na naman po kayo ng kaalaman sa mga ibinahagi ko sa inyo. Balewalain niyo nalang iyong mga *kagwupuhan effect hahaha* Kung may nais po kayong idagdag ay maaari niyo po itong ilagay komentong kahon <3 

Sa susunod po muli... 


Writing Tips at mga Payo ni Pareng TimmyWhere stories live. Discover now