PANG-APAT NA SULIRANIN ni "ProudToBeNothing"

529 24 3
                                    

Ang kanyang problema:

Marami po akong katanungan. Masyadong cliche ang stories ko, ano po ang dapat gawin para basahin parin siya? Mabibigyan niyo po ba ako ng technique para matapos ko agad ang 13 hiatus story ko? Tama bang inisa-isa ko siya ngayon kahit na ang nakasanayan ko ay tatlo-tatlo kaso nga lang sabaw? Paano ko po mapipigilan ang pagbuo ng bagong kwento sa utak ko? Lagi po kasi akong nakakaisip ng bagong plot kahit ang dami ko pang tambak na stories. Thank you po! Sana matulungan niyo ako.


Ang Aking Payo: Unang-una sa lahat ay lahat naman ng story ay maaaring maging cliche sa iba or pwedeng maging pareho sa ibang storya ngunit hindi na ibig sabihin nu'n ay susuko ka na... susuko ka na dahil cliche ang sinasabi mong story, huwag mong hayaan 'yon dahil tulad lang din ito nang pagiging tayo, magkakatulad tayong tao pero may iba't iba tayong uniqueness, gets? :)


So isa lang ang ibig sabihin niyan, maaaring mag-iba ang pagiging magkatulad ng story mo sa iba nang dahil sa plot twist and adding some memorable ending. Pero kung ako rin ay mas mabuting gumawa tayo ng sarili nating plot ngunit, mahirap nating gawin 'yon dahil malay mo sa isa sa mga milyon na manunulat ay kapereho rin ng iniisip mong plot.


Kumbaga sa ulam ay palagi na itong natitikman kaya medyo tinatamad ang mga readers na magbasa, ikaw nalang ang bahalang magdagdag ng mga scene or sabi ko nga plot twist para sa ikagaganda ng iyong storya.


About naman po pala sa pagsusulat ng maraming stories ay sanayin nating mag-pokus sa iisang story bago muna iyong mga bumubulong na mga bagong ideya sa iyong isipan kung maaari ay huwag munang gawan ng story 'yon dahil tulad mo ay mahilig din akong magsulat, dumating na rin sa puntong may mga hindi ako natapos na story noon.


At ang mas masaklap pa dahil 'pag nag-uupdate tayo sa 1 of 16 na stories halimbawa ay may tendency makalimutan mo na iyong mga scene sa mga natitirang 15 mong stories, nawawalan ka na ng gana hanggang sa iwanan mo na itong nakatiwangwang sa tabi-tabi.


Pero kung kaya mo naman siyang ipagsabayan ay hindi naman kita sinasabihan na huwag magsulat nang marami o magpost ng marami dahil karapatan mo rin 'yon basta't tatandaan mo po na 'pag hindi mo kaya huwag mong ituloy at baka maging SABAW ang kalalabasan niyan.


PS. Nawa'y makatulong ito sa iyong suliranin... Salamat sa magandang katanungan.


Writing Tips at mga Payo ni Pareng TimmyWhere stories live. Discover now