PANGSAMPUNG SULIRANIN ni "StyleGreen"

193 10 0
                                    

Ang kanyang katanungan:



Dear Pareng Timmy,

Hi! makiki-pareng timmy na rin ako :D Unang beses ko lang po magsususulat and masasabi ko pong wala po talaga akong satisfactory sa bawat story na gagawin ko kumbaga, kada sulat at gawa ko sa wattpad delete agad hindi ko po alam kung bakit ang bilis bilis magbago ng isip ko kahit ang dami dami ko nang naiisip tapos bigla nalang parang ayoko na ng ganun. Ang hirap kayang mag delete tapos gawa ng panibago! Help naman po...please!


Ang aking tugon:


Dalawa lang ang rason kung bakit ganyan it's either Tinatamad ka o Writer's Block 'yan.


Bakit tinatamad ang isang author/writer?


Tinatamad ang isang manunulat dahil wala siyang inspirasyon, hindi lang basta-basta inspirasyon ang aking tinutukoy kundi iyong mga ginagawa ng tao, ang pumuri ng isang storya.


Tinatamad ka rin dahil iniisip mong sa tingin mo ay walang sinuman ang nakaka-appreciate ng gawa mo, but no! Darating ang panahon para sa 'yo...darating ang araw na tatangkilikin nila 'yan.


Just learn how to wait, Patience is the solution. Kung hindi mo kayang maghintay ay natitiyak akong hindi mo maaabot ang inaasam mong tagumpay.


Bakit may writer's block?


Natural lang ang magkaroon nito at lahat naman tayo ay naranasan ito. Kumbaga sa stock knowledge ay naubusan na tayo ng stock kaya kailangan ulit nating mag-imbak upang may maisulat tayo.


May lunas ba ito?


Wala po siyang lunas ngunit may dalawang paraan para bumalik ang pananabik mo sa pagsusulat. First, magpahinga ka sa lugar na tahimik, walang ingay at walang istorbo at siguruhin mong may libro kang binabasa, pangdagdag inspirasyon at kaalaman na rin 'yon.


Second, magmuni-muni ka sa mga lugar na puno nang magagandang tanawin. Magagamit mo kasi 'yon 'pag sakaling may ilalarawan kang lugar, mas maiintindihan ng iyong mga mambabasa.


Bago ka lang pala rito sa wattpad kaya nama'y ang ipapayo ko lang muna sa 'yo ay magsulat ka muna ng mga one shot story...


A One Shot Story is compose of 500 to 1000 words, pwede na ring 800. Sa word count na iyon ay dapat mapagkasya mo ang Beginning, Rising Action, Climax, Falling Action and the Denouement or the Ending whether it is a complete ending or 'di kaya'y cliffhanger. :)


Iyon lamang at sanay nakatulong ito sa 'yo. Sulat lang nang sulat at magbasa rin po ^_^

Writing Tips at mga Payo ni Pareng TimmyWhere stories live. Discover now