PROLOGUE

15.7K 213 2
                                    


Hindi ko ginusto na maagang ikasal sa taong hindi ko naman kilala ng lubusan. Sa kadahilanang matalik na magkaibigan ang aming magulang kaya kami ay ipinagkasundo na ipakasal. Tinanggap ko na rin ang kapalaran ko dahil para naman ito sa pamilya namin at ayaw ko madismaya ang mga magulang ko.


Ang taong ipinagkasundong ipakasal sa akin ay hindi lamang isang ordinaryong tao marahil marami ang nakakakilala sa kanya. Hindi maganda ang una kong pagtingin sa kanya dahil sa kanyang kakaibang pag-uugali.

Isa na dito ang malamig ang pakikitungo niya sa lahat. Tinagurian siyang Campus Heartthrob sa University namin kaya hindi na ako magtataka na madaming nagkakagusto sa kanya. Kasal kami pero kami lang ang nakakaalam. Bakit? Dahil hindi niya ako tanggap. Ayaw niya sakin.

Kapag kinakausap ko siya ay hindi niya ako pinapansin. Para lang akong hangin na dumadaan sa kanya na hindi man lang magawang lingunin o bigyan ng atensyon. Lagi niyang ipinagmumuka na hindi niya ako asawa dahil papel lang ang ang makakapagsabi ng kasal kami dahil hindi niya ako mahal. In short, hindi ako nageexist sa mundo niya.

Kung hindi dahil sa kasunduan na pagpapakasal ay sana masaya pa ako hanggang ngayon at hindi ako makakatanggap ng ganitong trato. I feel useless and I do not feel my worth.

Sana makayanan ko itong lahat. Sana nga, at sana din matutunan niya rin akong tanggapin. Kahit pagtanggap lang okay na ako doon. Hindi ko naman hinahangad na maging laman ako ng puso niya. Hindi naman napipilit ang puso kung sino ang mamahalin nito.

But I hope that someday he will accept me as his wife and treat me as a part of his life.

I never expected na lahat ay possible kahit ang mga bagay na ayaw mong mangyari ay mangyayari. This is not the ordinary lovestory you think.

I love him so much. I can't afford to loose him. Hindi ko talaga kaya.

But it came to the point na sa sobrang nasaktan ako, ginawa niyang bato ang puso ko.

"I thought that we're okay. You gave me false hope, Nathan. Umasa ako. It was a big mistake to love you. Ang tanga ko. Ang tanga ng puso ko"

Wala akong pakialam kahit lumuhod man siya sa harap ko. At mas lalong wala akong pakialam kahit magmakaawa siya. Dahil wala na akong pakialam sa kanya. Look what you did to me Nathan.

" Mahal kita Kailley, mahal na mahal. Please forgive me. Wala akong alam sa nangyari. Please, I love you so much" He cried.

" Love? Kahit kailan hindi mo ako minahal. Ginawa mo lang akong panakip butas. Yun ba ang pagmamahal Nathan? Masakit sa akin na makita ang sarili ko sa salamin na nasasaktan, na iniiyakan ka. Masakit Nathan! Masakit" sabi ko habang pinipigilang umiyak sa harap niya.

"What do you mean wife? Hindi kita ginawang panakip butas lang. Lahat ng sinabi at pinadama ko sayo, lahat ng iyon ay totoo"

"Hindi na ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo. Your dad is right. I am not the one who can make you happy." malamig kong sabi habang nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.

"You lied to me. Ibang Nathan ang nakilala ko. Ibang Nathan ang ipinakita mo sakin. Bakit? Bakit mo tinago sakin ang lahat?" I stared at him but no words are coming out from his mouth. Nagsasayang lang ako ng oras ko dito. Mabilis akong tumungo a pinto at umalis.

Goodbye, my dear husband.

MY COLD HUSBAND IS A BAD BOY

Ms_CupcakeLover

My Cold Husband Is A Bad Boy [Under Editing]Where stories live. Discover now