"You know, sometimes magisip-isip ka. Minsan kasi mas pinapairal mo iyang galit mo. " seryoso ang naging tingin niya kay Miria.

Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Lalong nadagdagan ang mga katanungan sa isipan ko. Feeling ko sobrang maiistress ako sa kakaisip.

Alam kong napansin nilang dalawa ang pagkalito ko dahil sa ekspresyon ng mukha ko ngayon. Ang gulo-gulo na kasi talaga, hindi na ako maka-gets.

Lumapit naman kaagad si Miria at hinawakan ang balikat ko. Tinignan ko siya na may halong pagtatanong. Tila'y naintindihan naman niya kaya tumango ito.

Batid kong hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang mga nangyari.

Hindi ko na nga rin alam kung ilang araw na akong walang malay at hanggang ngayon ay sariwa pa ang mga nasaksihan ko noong gabing iyon. Maraming katanungan ang nabuo sa aking isipan na hindi ko na talaga kayang palampasin pa. Uhaw ako ngayon sa mga kasagutan.

Mariin kong tinignan si Miria pati na rin si Blaise na nakasandal lamang sa may pintuan. Kahit na nakapikit ito ay alam kong alam niya ang nais ko. Hindi ako nagkamali dahil noon pa lamang ay naramdaman ko na may kakaiba sa lalaking ito. Ngayon ko malalaman ang lahat.

"Gusto kong sabihin niyo sakin ang lahat-lahat ng nalalaman ninyo. Walang labis, walang kulang. Para hindi na rin ako magmukhang tanga rito na wala man lang kaalam-alam." Seryosong sabi ko sa dalawa.

Nakita ko ang pagbukas ng mga mata ni Blaise saka ito tumingin saakin. Ngumisi ito saka nagsimulang maglakad papalapit. Hindi ako nakaramdam ng kahit ano sa tingin niyang iyon.

Tanging nananaig ngayon ay ang pakiramdam na may hindi sila sinasabi saakin. Iyong tinutukoy ni Itay na sikreto. Iyon ang gusto kong pagtuunan ng pansin.

Maaring makapagpabago ito saaking buhay o kaya nama'y makadag-dag lamang sa bigat na dinadala ko rito sa damdamin ko.

Napakarami kong gustong linawin.

Nagluluksa parin ako sa pagkawala ng lahat saakin, pero mas pinili kong huwag umiyak. Gusto kong magpakatatag dahil baka maliwanagan din ako sa oras na alam ko na ang lahat.

"Do you really want to know the truth?" Agad na napatingin ako sa nagsalitang si Blaise na tuluyan na palang nakalapit sa harap ko. Seryoso ang naging tingin nito. Ngunit nang walang anu-ano'y mabilis na tumango ako sakanya.

"Start with those," Itinuro niya ang mga gamit ko na nasa katabing mesa.

Agad kong naalala ang mga huling payo ni Itay saakin na kung gusto kong malaman ang mga kasagutan ay nasa mga iyon lamang.

Tinignan kong mabuti ang mga kagamitan. Nandoon lamang ang mga kasagutan. Nakaramdam bigla ako ng kaba dahil sa kung ano man ang makikita ko sa loob ng music box. Nihanda ni Itay ang lahat at alam niya ang mga mangyayari.

Sa oras na makita ko ang nilalaman ng bagay na iyon ay maaaring magbago na ang lahat kaya sana'y maging handa ako.

Nanatili lang akong nakatingin sa music box hanggang sa magsalita muli si Blaise.

"Iiwan ka na muna namin. You need more time to think because there's no turning back once you've open that thing." Masyadong seryoso ang naging pagkakasabi ni Blaise kaya lalong lumala ang kaba ko.

Tama siya. Wala na itong urungan.

Agad akong tumingin ng makahulugan kay Blaise. Buo na ang loob ko.

Alam kong naintindihan niya ako kaya mabilis itong tumango.

"Open it para matapos na ang pagkalito mo." Wika niya habang nakangisi.

Heiress(Part One:COMPLETED) Where stories live. Discover now