ARTHUR's POV:
May 2, 2006
Andito na ako sa Galleria at hanggang ngayon, bangang pa rin ako sa panaginip ko kahapon. Hindi man lang siya nagparamdam. Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip nang kung ano ano. Tatanungin ko siya ngayon. Gusto ko malaman kung bakit siya umalis kahapon. 10 am ulit pasok ko kaya nandito na ako ng 9:30 am. Alam kong 'di niya day off ngayon at sabay kami ng duty.
Pagkarating ko sa restaurant ay nakita ko na agad siyang naglilinis ng mga baso sa counter. Narinig kong tumunog ang bell sa may pintuan pagkapasok ko at alam kong nakita niya akong pumasok. Tuloy tuloy lang ako sa locker room at napasuntok na lang ako sa sobrang inis. Bakit kasi 'di niya ako pinapansin? Nakakainis!
Ayan makalipas ang walong oras at wala kaming pansinan. Kahit break time nga 'di kami nagpansinan e. Wala naman akong ginawang masama sa kanya a? Ano ba kasi ginawa ko? Maliban lang sa may kasama akong babae noong nakaraan at sa loob pa mismo ng bahay pero alam kong wala naman kaming ginagawang masama.
Napansin ko na nagmamadali siyang pumunta nang locker room. Sa locker room pala namin ay may CR for boys and girls. Kaya pumasok na rin ako sa locker room at hinantay ko siya sa labas mismo ng CR ng girls.
Mga ilang saglit ay lumabas na siya at halata mo sa kanya na nagulat nang makita ako. Pero agad na nawala iyon at napalitan nang lungkot na hindi ko alam kung bakit. Nagtuloy tuloy lang siya sa pag-aayos nang gamit sa tapat ng locker niya. Sige na, Pride. Ibaba mo na sarili mo. Tanungin mo na. Nagbuntong hininga ako at saka ako nagtanong sa kanya, "Ano ang problema nating dalawa?" tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa kanya. Siya naman ay nag-aayos pa rin ng gamit pero napansin ko sa mukha niya na malungkot siya.
"Wala," sabi nito habang hindi tumitingin sa akin.
"Wala pero bakit 'di ka namamansin? 'Di ka rin nagtetext kahapon?" sabi ko naman
"Hindi ka rin naman nagtetext sa akin kahapon e. Kaya akala ko galit ka sa akin," sabi niya at bigla siyang humarap sa akin na umiiyak na. Shit! Ayaw ko pa naman na may umiiyak na babae sa harap ko.
"O sorry na. Hindi ka rin kasi nagtetext e. Tahan na," sabi ko at niyakap na lang siya para tumahan na pero hindi e, bigla siyang humagulgol. Pakiramdam ko may dinadala pa siyang problema na hindi ko alam.
"HOY KAYO---" naudlot ang sigaw ni Luis na kakapasok pa lang sa locker room at binigyan ko na siya nang masamang tingin. At buti nanahimik at umalis na lang. Biglang kumalas si Margaret sa pagkakayakap namin. "Ay sorry," sabi niya habang pinupunasan niya yung mga luha sa mata niya.
"Wala iyon. Ano okay na?" tanong ko at ngumiti na lang ako pero pekeng ngiti lang 'yon. Pakiramdam ko kasi may hindi pa siya sinasabi sa akin. Ngumiti naman ito sa akin. So, okay na nga kami. Kung okay nga ba?
"Tara na. Out na tayo," aya ko sa kanya. Hindi na ako nagpalit ng uniform, inalis ko na lang yung vest na black para magmukhang nakat-shirt lang ako. Nagpaalam na kami kay Luis na duty ngayon hanggang gabi. Lumabas na kami sa restaurant na hindi kami magkaholding hands at napansin kong 'di rin niya akong tinatawag na Bhe. Okay.
"Tara Toms World muna tayo," aya ko sa kanya at hinawakan ko na siya sa kamay. Pagkadating namin doon. Bumili ako ng 50pesos na tokens at binigay naman sa akin nang nasa palitan ng tokens ay sampung piraso. Hinila ko na si Margaret sa Basketballan, race cars, baliran at kung saan saan pang sulok ng Tom's World na iyon. Pero ang napansin ko sa kanya ay parati siyang malungkot. Malungkot ba akong kasama?
YOU ARE READING
Destiny
Teen FictionGusto ko siyang makilala nang lubusan. Gustong gusto. Pero bakit ganoon? Nang makilala ko na siya nang lubusan saka naman gumagawa ang tadhana para ipaglayo kami.
