“Kung makapagsalita ka akala mo kung sino kang gwapo! Hoy Torres! Mukha kang paa! Pangit mo! Pangit!!!” Pikon na kung pikon pero talagang affected ako sa sinabi niya.

“At sa’yo pa talaga nanggaling ‘yan. Hahaha… kaliwa’t kanan nga ang girlfriends ko. Eh ikaw Galang, nakailang boyfriends ka na ba?”

Wala akong nasagot sa tanong niya. N.B.S.B. pa kasi ako.

“O ba’t natahimik ka dyan? Aminin mo na kasing kailanman, walang magkakagusto sa’yo!”

“Wala nga akong boyfriends pero marami akong manliligaw! At kung ikukumpara ‘yung mga itsura nila sa pagmumukha mo? Nako, nevermind….” Maarte kong tugon sa kanya.

“Baka naman nangangailangan ka na ng salamin. Wala nang makakapantay sa kagwapuhan ko! Pumapangalawa lang ‘yang si Jeron. Hahaha…” confident na confident na sabi ni Thomas.

“At sino naman ang nagsabi sa’yong gwapo ka? Matagal nang sira ‘yang mukha mo kaya okay lang kahit ilang beses kong tamaan ‘yan ng bola!” pasigaw kong sabi sa kanya.

Nako, mukhang gumagawa na kami ng eksena dito sa gym. Hindi pa rin kasi umaalis ang mga teammates ko. Nakikinig rin sila gaya ng teammates ni Thomas na ‘tila hinihintay na magpatayan kami dito.

“Huh, sa gwapo kong ‘to? Tulo laway pati sipon ka nga sa’kin!” Nag-high five pa siya sa mga ka-teammates niya pagkasabi niya nun.

“Best, tara na nga. Sinasayang mo na naman ang oras mo sa kanya.” Unti-unti akong hinila ni Mika palayo kay Thomas.

“Sandali lang… tuturuan ko muna ng leksyon ‘tong lalaking ‘to.” Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni Mika sa’king braso.

“Nako Mika, mukhang kailangan mong hawakang mabuti ‘yang si Ara. Kapag nakawala, siguradong patay tayong lahat! Halimaw eh… halimaw na halimaw! Bwahahahaha…” At nagtawanan ulit ang mga Hudas. Nagdidilim na talaga ang paningin ko. Tulungan niyo po ako Lord, baka makapatay ako ng chinitong demigod!!!

Naputol ang pagbabangayan namin nang biglang dumating ang coach ng basketball team.

“What’s happening here? Don’t tell me sina Thomas at Ara na naman…” Na-confirm nga ang hinala niya pagkatingin niya sa’min.

“Okay, bukas niyo na lang ipagpatuloy ‘yan but for now, practice na tayo! Malapit na ang basketball season! Volleyball team, lumabas na kayo ng gym.” Mahinahong sabi ng kanilang coach.

Sumunod naman kami sa kanyang utos pero bago ako tuluyang lumabas ng gym, kinuha ko ang isang bola at “aksidente” kong natamaan ang ulo ni Thomas.

“Ano ba?! Nakakadalawa ka na ah!”

“Ay sorry, hindi ko sinasadya. Nakaharang ka kasi eh. Sige, bye!” Binilisan ko na ang pagtakbo palabas ng gym para hindi na siya makasagot. Bwahahaha, nasa’kin ang huling halakhak sa araw na ‘to. BWAHAHAHAHAHAHA!!!!

Operation: Destroy Thomas Torres (FINISHED)Where stories live. Discover now