"Jillian?"

Napalunok ako.

At sumunod ako kay West papuntang parking lot.

Holy shit.

Bakit ba napakahirap gawin ang tama?!


~*~

Nandito kami ni West pareho sa tapat ng apartment ko. Nasa loob pa rin kami ng kotse. Walang nagsasalita. Mula kanina nung umalis kami, walang umiimik.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Hindi ko na alam ang next move ko.

Ano? Ano nang gagawin ko? I kissed him awhile ago. Kung sasabihin kong hindi ko siya mahal, paano pa niya ako paniniwalaan kung maliwanag pa sa sikat ng araw ang nararamdaman ko sa kanya.

Ano ba. Paninindigan ko na 'to? Hahayaan ko nang maging kami?

Then what? Habang in a relationship kami, ima-matchmake ko siya sa iba, ganun ba?

Nakaka-lecheng senario yun pag nagkataon.

Or...

Or bahala na si Cupid? Bahala nang magulo ang timeline niya? Basta paninindigan ko na 'to at wala na akong paki kung ako lang at si West ang magiging masaya. Kung lahat ng tao sa mundo eh hindi na mahahanap ang soulmates nila dahil ginulo ko na ang timeline.

Ganun ba ang gusto kong mangyari?

"Jillian."

Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko. I badly want to pull away pero hindi ko magawa.

Bakit ba mahal na mahal ko ang isang taong hindi naman para sa akin?

"Jillian, I---"

Hindi naituloy ni West ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang phone niya.

Nasa dashboard ang phone ni West kaya naman nakita ko kung sino ang tumatawag.

It's Zyron.

Pareho kaming natigilan. Pareho kaming napatitig doon sa phone.

Hindi sinagot ni West ang tawag pero unti-unti siyang napabitiw sa kamay ko.

Sumandal si West at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng mata niya.

I know that for a moment, nakalimutan niya ang kapatid niya. At alam kong ngayon na naalala na niya si Zyron, guilt is eating him up.

Hindi ako umimik. Hinihintay kong siya ang unang mag salita. Kasi sa totoo lang, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

"Jillian."

Napalunok ako.

"Please look at me."

Paano ko gagawin yun West kung natatakot ako? Baka 'pag lumingon ako sa'yo, hindi na ako makaatras. Alam kong 'pag tinignan ko ulit ang mga mata mo, mawawala na naman ako sa sarili.

Lalo na pag hinalikan mo ulit ako. Baka mamaya niyan makaimutan ko na ang lahat.

"Jillian please.."

Hinawakan niya ulit ang kamay ko. This time, ang higpit na ng hawak niya.

Nagulat ako ng ipatong ni West ang isa pa niyang kamay sa pisngi ko at iniharap niya ako sa kanya.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon