1

40 2 0
                                    

May tatlong magkakaibigan, sila ay si Aiza Andrea Pangyan, Krizza Rose Tampos, at si Joy Espina, nag-aaral sila sa isang sikat na Akademya na nangngangalang FAA (Famous Artists Academy) kaya ito tinawag na Famous Arts Academy ay sikat na sikat ito sa buong Bansa, at kilalang-kilala ito, at ang mga estudyante na nag-aaral dito ay puro mga mayayaman.

Ngunit paano nga ba sila nakabilang sa akademyang yun? Dahil sila ay ang mga iskolar sa akademyang yun. Sila ang parating nabu-bully sa academy na yun dahil ang palaging mga bulong-bulungan sa academy na yun ay, "wala silang talento" ... "di sila marunong kumanta at sumayaw" ... "mga baduy pa manamit" ... "bakit ba kase sila kabilang dito, tingnan niyo nga sila oh, nakakabwisit, nag-iinit ang dugo ko sa kanila"... Yan parati ang mga sinasabi ng mga ilan sa mga estudyante ngunit di na lang nila ito pinapansin dahil baka mauwi pa ito sa gulo at magkaroon sila ng record sa guidance office...

Chapter 1... (First Day of School)

Naghahanda na nga mga gamit sila Aiza, Krizza at si Joy, nakatira sila sa iisang bahay dahil mga ulila na silang lubos, ang kanilang mga magulang ay magkakaibigan at nung naaksidente ang kanilang magulang dahil sa Airplane Crash napagdesisyonan nila na sa iisang bahay na lang titira, total may iniwan namang pamana ang kanilang pamilaya sa kanila kumbaga, sa kanila binigay ang kanilang natitirang mga negosyo... Pero bakit nga ba sila naging scholar? Dahil ayaw nilang gumastos kaya kumuha sila ng exam para makapasa sa scholarship...

"ano guys, kumpleto na ba ang lahat ng mga gamit na kakailanganin natin araw-araw?" tanong ng kanilang ate-ate na si Krizza

"yes, yes, yes, handa na ang lahat, kaya tara na, baka ma-late pa tayo" sigaw ni Aiza at ni Joy...

Ngumiti naman si Krizza at umalis na sila para di na sila mahuli sa klase...

Pagpasok nila sa akademyang yun ay agad na sumalubong sa kanila ang bulong-bulungan. "ayan na sila oh" ... "di talaga sila bagay dito, feeling mayaman eh halata namang hindi" ... "oo nga eh, yaks, kadiri sila masyado"

Kung anu-ano pa ang mga salita na binabato sa kanila. At napansin rin ni Krizza na biglang nanggagalaiti na sa galit si Joy kaya, agad niya itong sinabihan.

"control your temper, wag mong ilabas ang galit mo" sabi ni Krizza na may halong pagkakalma

"kalma lang Joy, kaunting tiis na lang makakaalis na rin tayo sa akademyang to, 1 year na lang oh" sabi naman ni Aiza.

Kinalma ni Joy ang sarli at huminga ng malalim. "sige" tipid niyang sagot

Pumasok na sila sa kanilang paaralan, silang tatlo ay magkaklase lang at magkatabi lang silang tatlo.

Habang may bagong tanatalakay ang kanilang guro, maayos naman silang nakikinig at tine-take down nila kung ano ang mga sinasabi ng kanilang Professor para kanilang pag-aralan mamayang uwian nila.

"before we end this, kailangan ko ng representative sa sing and dance competetion" sabi ng guro nila,

"ahh Maam, kayo po ba ang mamimili kung sino ang magiging representative?" tanong ng isa sa kanilang kaklase

"yeah, bakit? gusto mo bang iprisinta ang sarili mo?" tanong ng kanilang guro, naghiyawan naman silang lahat except sa tatlong babae na si Krizza, Joy at Aiza at napansin ito ng kanilang guro.

"magsitahimik ang lahat" biglang sigaw ng kanilang guro.

biglang naman silang tumahimik at sinundan nila ng tingin ang kanilang guro kung saan ito nakatitig.

"sila ang napili ni Maam?"


"No No No as in No di pwede to"


"they don't have a talents"

Once A Stranger Now A StarWhere stories live. Discover now