2

18 1 0
                                    

KINABUKASAN...


Habang naglalakad sila Aiza, Joy at Krizza dala-dala ang mga libro nila... Napapansin nila na halos lahat ng mga tao sa campus ay nakatingin sa kanila...


"may nagawa na naman ba tayo?" tanong ni Aiza...

"yan ang tanong" sagot naman ni Joy...

"pwede wag niyo na lang silang pansinin, pwede pumunta na lang tayo sa library para mag-review?" tanong ni Krizza in a sarcastic tone...

"OPO" sabay na pagsabi ni Aiza at ni Joy...


Nakarating na sila sa Library at nagbabasa ng mga libro... Habang nagbabasa ng sila ng libro may narinig si Joy na bulungan...


"diba, sila yung tatlong babae na magaling kumanta?" sabi nung babae habang tinuturo sila.

"yes girl, sila yun" ganting sagot nung babae...

"akala ko ba mga panget sila?" tanong ulit ng magandang babae habang nakatingin sa kanila

"oo nga noh. maganda naman sila ah" sabi nung katabi niya na short hair...

"agree ako... Halika na, bumalik na tayo sa classroom" sabi nung magandang babae...


Napangiti naman si Joy sa narinig, habang nagbabasa...


"para ka namang timang diyan, okay ka lang ba?" tanong ni Aiza

"oo naman, okay lang" sagot niya

"talaga lang ha?" - Aiza
"opo" - Joy


Sa kabilang dako naman... Ang barkada ni Vash na si Ricardo at Jhon Mark...

Habang naglalakad sila papuntang library, nag-uusap sila sa bagay-bagay...


"ano? gimmick maya?" tanong ni Vash

"sige ba, what time?" tanong ni Ricardo

"midnight" sagot ni Jhon Mark in a cold tone

"huwaaaaaaaaat~~ seryoso ka?" sabay nilang sabi

"mukha ba akong nagbibiro?" tanong ni Jhon Mark at nakatingin sa kanila na may titig na parang gustong pumatay

"hindi, hindi ka nagbibiro" sabi nilang dalawa, at pumasok na sa Library...


Pagbukas ni Vash ng Pinto, nagulat siya sa nakita at di muna niluwagan ang pagkabukas sa pinto


"bakit tol?" tanong ni Ricardo

"n-nandiyan sila" sagot ni Vash na nauutal pa

"okay ka lang tol?" tanong ni Ricardo

"bakit?" ganting tanong ni Vash

"namumutla ka ha" sabi naman ni Ricardo

"m-mamaya na lang kaya tayo pumunta dito? pwede ba?" tanong ni Vash

"nandito na tayo oh, bakit ba?" sabi ni Ricardo na malapit ng mapikon, kaya naman tinulak niya si Vash at pumasok sa loob...


Ricardo POV

Sa totoo lang guys, nagtataka na ako kay Vash, araw-araw na lang ganyan... 'Di kaya may gusto siya kay Joy? Aiza? o di kaya kay Krizza? Oh My God! LOL...


"Ahhhh, kaya naman pala..." sabi ko

Tiningnan ko si Vash at napa-kalmot na lang siya sa batok niya...

Nilapitan ko sila at tumabi ako kay Krizza


"Hey" sabi ko, halata namang nagulat siya kaya naman tumawa ako ng kaunti...

"s-sino ka?" tanong niya... Wait! 'di niya 'ko kilala?

"''di mo 'ko kilala?" tanong ko sa kanya, at napatango naman siya...

"by the way, Im Ricardo Sante, and that is Vash Romano, *turo ko kay Vash* and Jhon Mark Soria *turo ko kay Jhon Mark* " sabi ko sa kanya

"Ahhhhh, nice meeting you, alis na kami ah" sabi niya at niligpit niya ang mga gamit niya, at hinila ang mga kaibigan niya...

"tara na guys" dagdag niya at tuluyan na silang umalis...


Aiza POV

habang naglalakad kami, bigla akong kinausap ni Joy

"unnie, kilala mo yun?" tanong niya

"ha?" tanong ko pabalik

"yung mga lalaking yun. lalo na yung kausap mo" sabi niya

"ahhhh, sabi niya Ricardo raw yung pangalan niya" sabi ko, napatango naman siya

"wag na nga nating pag-usapan sila" dagdag ko

Joy POV

May napapansin ako kay Unnie eh, parang IN LOVE? Hala ka... Di kaya in love talaga siya?

"unnie, may napapansin ako sayo" tanong ko

"ano naman yun?" tanong niya na may halong pagtataka

"may gusto ka sa lalaking yun noh?" tanong ko, nakita ko naman yung expression ng mukha niya, halatang nagulat siya at namula.. hahahaha lol

"a-ako? g-gusto siya? d-di noh" sabi niya, napatawa naman ako, dahil sa pananalita niya

"bakit ka nauutal?" tanong ko sa kanya habang tumatawa

"w-wala noh" sabi niya

"w-wala noh" panggagaya ko sa kanya

"pwede magsitahimik?" tanong ni Krizza

"wow! seryoso siya ngayon oh" sabi ko sa kanya

"oh tapos?" pagsusungit niya at tinaasan pa talaga ako ng kilay ha... tsk

"tsk!" - Ako ang nagsabi niya, malapit na akong mapikon ha.



Once A Stranger Now A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon