"Olivia!" Narinig ko ang boses ni Anton mula sa likod. Tumayo ako mula sa mat 'ko at nilingon siya.

"Yes?"

Kinuha niya ang face towel mula sa braso niya at pinunas ito sa akin, "Pupunta tayo sa bahay nina Kuya Prime at Ate Charlemagne bukas."

"Ano meron?"

"House blessing at monthsary daw ng kasal nila." Aniya habang pinupunasan padin ang mukha hanggang sa liig 'ko.

"Okay.. Pwede mo naman sabihin mamaya, inistorbo mo pa ako."

"Sige magtaray ka baby. Alam 'kong may period kana bukas." He said. Meron din siyang kopya ng monthly planner ko kaya kabisado niya.

"Whatever. Sa bahay ka kain mamaya. Nagluto si Mommy.."

"Yes, wife. Sige balik ka na. 'Wag magpapapagod ah?" Hinalikan niya ang noo 'ko at pabirong ginulo ang buhok 'ko.

"Yup, hubby."

Patalikod siyang naglakad. It means ay nakaharap siya sa akin habang naglalakad palayo sakin. Nagfl-flying kiss siya habang palayo kami. Ako naman, umaaktong kinukuha iyon at nilalagay sa puso 'ko.

"Love you!" He mouted.

I pouted at bumalik na sa mat 'ko. I did some stretchings and stunts alone. Ayoko muna makita na pinapagalitan ni Sash si Coleen kahit naririnig 'ko.

"Ughhh. Coleen, uhm, pwede lambutan mo pa?" Reklamo ni Sasha ng marahan. Buti pa siya kalmado. "Ganito oh.."

Napailing nalang ako at pinanuod na namimilipit sa sakit sa hita si Coleen.

"Kung nasasaktan ka, please think that we've been there too." I walked towards her nang iwan siya ni Sasha na sumuko na kakaturo. "Alam mo ba na na-semento ang legs 'ko at napa-neck brace ako at nabagok dahil lang cheerleading? Ikaw, namimilipit ka lang sa sakit, wala pa 'yan sa kalingkingan ng mga injuries namin nung beginner kami. Kaya kung hindi ka handang masaktan, wag ka ng sumugal."

Matagal siyang napatitig sa akin. Tumayo siya at ikinagulat 'ko ang pagyakap niya sa akin. "Thanks for motivating me, Olivia... No wonder Anton loves you so much. Totoo pala ang sinabi niya, bipolar ka pero sobrang bait." she smiled.

Sinimangutan 'ko lang siya, "Okay. Do that stunt again."

Tumango-tango siya and did her best para magawa ng maayos ang stunt.

"Auds, 'kaw muna bahala." Sabi 'ko kay Audrey, kasabayan 'ko din noon.

"Bakit mo ba tinanggap? Kitang hindi marunong..."

"Gosh. Kung alam mo lang kung anong ginawa niyang babaeng 'yan para pasalihin 'ko siya."

"What?"

"Chismosa much? Wala! Sige na bantayan mo na."

I checked the time and it's almost 6. Nagshower na ako at nagpalit ng panibagong tshirt at maong shorts. Para mamaya sa bahay ay matutulog nalang ako.

"Hey.. Via!" Napalingon ako kay Carlo na nasa entrance ng locker room.

"Uy!" Binitbit ko na ang sports bag 'ko at lumapit sakanya.

"Dinner?"

"Nopes. I'm on diet. Atsaka sa bahay ako kakain." Gusto ko sana sumama kahit masira ang diet 'ko. Duh, it's Carlo! My crush!

"Tomorrow? Please? Please?" He pouted at pinagdikit niya ang mga palad niya na parang nagmamakaawa.

"Alright. After training, then?"

"Yesss! Thanks, Olivia!" Niyakap niya ako at sabay na kaming lumabas.

Nakasalubong namin si Anton na pawis na pawis. Halos manlisik ang mata niya nang makita niyang naka-akbay sa akin si Carlo.

"Uhm.. Una na ako?" Gusto ko pa siya kasama! Hay!

"Yes, sure. Ingat!" Aniya.

Tumango at nauna na siyang maglakad palayo. Masamang masama ang titig sakanya ni Anton at mukhang ganon din si Carlo.

Anton coldy looked at me, he sighed, kinuha ang sports bag 'ko at naunang maglakad sa akin.

Hanggang sa makarating sa kotse niya ay hindi padin siya umiimik...

"Uyyyy." Pangungulit 'ko.

"Hmm?"

"Galit ka?"

Hindi siya sumagot. Diretso lang ang tingin niya sa daan at parang hindi ako naririnig.

"Are we going to fight over this petty thing?" Medyo tumaas ang boses 'ko. Nakakainis siya! Bigla biglang hindi namamansin!

"What?" walang gana niyang sagot.

"Seriously! Bakit ba? Ano na naman? Magkasama lang kami ni Carlo selos na selos ka na? Sino padin ba kasama ko at the end of the day? Ikaw diba!"

"You're just so unfair Olivia! You told me to stay away from Coleen! You told me to pretend like she's not existing! Um-oo ako! I did what you wanted me to do! Pero ikaw? Hindi ko sinabing layuan mo si Carlo pero ano ba yang ginagawa niyo? You were together at the locker room ALONE. Really?" Hininto niya ang kotse at sinuntok ang manubela kaya nagulat ako.

"You're over reacting—"

"Over reacting? Nakikipagkwentuhan lang ako kay Coleen pinalayo mo na agad ako sakanya. Eh ikaw nakikipag akbayan at nakikipag landian na sa harap ko wala akong ibang ginawa kundi sarilihin ang galit 'ko. Now who's over reacting, Olivia? Sino?"

Natameme ako. Ang lakas niyang manumbat!

"Ang lakas mong manumbat! If you want to be near Coleen everytime then do it! And I'm sorry kung pinalayo kita sakanya!"

"Hindi ako nanunumbat. Lahat ng ginagawa mo na ayaw ko kinunsinti ko just because I don't wanna lose you! Ikaw Olivia? Aminin mo nga, option lang naman ako diba? Nagiisang option na kailanman hindi magiging choice?"

Napatitig ako sakanya. Nakayukom ang mga kamao niya at diretso ang tingin sa daan.

"Anton—..."

"Olivia alam kong ayaw mo sa'kin. I can feel it, na pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko. But please I want to hear it from you so I can distance myself. Pagod na ako umasa. Pagod na pagod na ako."

Natameme ako. I was caugh off guard. Hindi ko alam ang sasabihin 'ko.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon