Nagtext ako kay Anton na sasabayan 'ko si Carlo sa pag lunch pero hindi siya nagreply. Hay naku! San kaya siya?

"Olivia.. Please! Please! Tanggapin mo na ako sa maharlikang mananayaw! Please Via!" Nagulat ako sa pagsulpot ni Coleen sa table namin ni Carlo.

"Coleen?" Carlo.

Lumuhod si Coleen, "Olivia nagmamakaawa ako! Please!" Pinagdikit niya ang dalawang palad niya na parang nagdadasal.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante at natahimik ang cafeteria.

"Huhuhu Olivia! Nagmamakaawa ako! Promise! Pagbubutihin ko! Tanggapin mo lang ako! Via please! Huhuhuhu!" Sa tono ng hagulgol ni Coleen ay parang ang sama sama 'kong tao! Ano bang ginagawa niya?!

"Via just say yes! Nakakahiya pinagtitinginan ka na!" Bulong ni Carlo.

"Coleen stand up! Hindi makakatulong 'yang pagpapa-awa mo!" Mariin 'kong sabi.

"Hindi ako tatayo hanggat di mo ako tinatanggap Olivia! Huhuhuhu!" Mas humagulgol pa siya.

Shit! Iskandalosang babae! Sarap ibitin patiwarik!

"Via ano ba? Pumayag ka na..." Pambabarat pa ni Carlo.

"Alright!" Nahampas ko ang table dahil sa sobrang inis at frustate. "Now please stop asking for everyone's sympathy and mother fucking stand up, Coleen Dimaandal!" Gigil at mariin na sabi 'ko. Fuck! Nagmukha akong masamang babae!

Mabilis siyang tumayo, "Thanks Olivia!" Nagpahid siya ng luha at mabilis na tumakbo.

I felt awkward dahil pinagtitinginan ako. I did not enjoy my fucking lunch. Great!

"Wann transfer?" Alok ni Carlo.

Tumango ako at mabilis na umalis sa cafeteria. God! Coleen is so.... Fuck! Ang sarap niyang itapon mula sa 40th floor!

"Oh kalma.." Binigyan niya ako ng tubig.

I sighed deeply at ininom iyon. Gusto kong makausap si Anton! Sa ganitong problema, siya lang ang gusto kong kausap.

I silently thanked the Lord when I received a message from him. Just when I need him the most.. Kahit di ko siya hanapin, kusa siyang susulpot. Thank God for giving me Anton.

Anton:

Nasan ka? Anong iskandalo tong naririnig ko?

Me:

I need you baby :-(

Anton:

Nasan ka nga?

Me:

Dito sa garden sa likod ng court... Baby naiirita ako!

Anton:

Kalma, naglalakad na ako. I love you! :*

Wala pang limang minuto ay nakita ko na siyang naglalakad patungo samin ni Carlo.

"Carlo I'm sorry to ditch you.. Babawi ako." I pleaded.

"That's alright. Sige." Nakangiti niyang sabi. What? Di man lang siya nadissapointment?

Niligpit ko ang gamit 'ko at sinalubong si Anton. Sinamaan niya muna ng tingin si Carlo bago kunin ang bag 'ko at siya ang nagbuhat. Pagtapos non ay inakbayan niya na ako.

"Nakakaasar ang Coleen na iyan!" Bulyaw ko agad habang naglalakad kami.

Pumunta kami sa music room ng 4th floor at nilock iyon.

"Ang tanginang 'yon! Lumuhod at nagmakaawa at humagulgol pa?! Nagmukha akong kontrabida kanina Anton! Shit siya!" Gigil na gigil talaga ako sakanya.

"Chill, Olivia. 'Walang magagawa 'yang inis mo."

"But still!" Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang inis. "Tangina! Anton! Gets mo ba ako? Nakakairita yung ginawa niya!"

"Gets kita 'by... Naiinis nga ako kasi ang dami agad nagcocomment ng negative sa'yo. But that's alright, you got me." He smiled.

"Wala akong pake sa sasabihin nila! I just hated the way they looked at me! Nakakabastos! Like, alam ba nila yung buong storya? Hindi! They don't even know that Coleen Dimaandal! Bwisit! Bakit pa kasi nagtransfer iyon dito?!"

Nagc-chuckle nalang si Anton habang nakasandal sa piano at naka cross arms.

"Ano? Tatawanan mo nalang ako?" Lumapit ako sakanya at nagcross arms.

Humalakhak siya at hinigit ang bewang 'ko palapit sa katawan niya, "Ang cute mo mainis."

"Kasi naman eh!" Mahina 'kong hinampas ang braso niya. "By... Naiinis talaga ako! Naiirita ako! Puñeta!"

"Kalma lang, Olivia. Diba tinanggap mo na siya?" Tumango ako. "Edi kapag hindi padin siya nageexcel or hindi man lang nageffort matuto, exclude her. Paalisin mo. Just that simple. 'Wag kang gaganti."

Napaisip ako sa sinabi ni Anton. He's right. Kasi pag gumanti ako, magmumukha na talaga akong demonyita sa paningin ng mga tao dito.

"Halika nga dito..." I wrapped my arms around his neck. Nawala bad vibes ko sakanya! As in parang nabura! "Pasalamat nalang ako dahil andito ka.. Kung wala, hindi na ako nakapagisip ng diretso."

"I'll always be here, Via. All for you." He smiled.

Kinurot 'ko ang ilong niya but in return ay hinalikan niya ako ng mariin. Napangiti ako at marahan na hinampas ang likod niya..

"Anton nasa school tayo.. Mamaya nalang.."

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon