Chapter 5

7.8K 150 0
                                    

~Chapter 5

"I'm sorry honey. Please don't cry." pang aalo ni Alex sa umiiyak na asawa.

Mas lalong sumikip ang dibdib ni Alex ng walang tugon mula kay Macy. Tanging mga hikbi nito lamang ang naririnig nito mula sa asawa.

Babangon na sana si Alex mula sa pagkakadagan nito kay Macy ng bigla sya nitong yakapin ng mahigpit at saka humagulhol sa dibdib ng asawa.

"Honey please stop crying," malambing na pang aalo ni Alex kay Macy habang hinahalikan nito ang buhok ng asawa.

"Honey?" mahinang tanong nito kay Macy ilang sandali pa ay wala na itong narinig na hikbi at lumalim ang paghinga nito.

Umangat ng konti si Alex upang masilayan ang mukha ng asawa.

Napangiti sya ng makita itong mahimbing na natutulog at hilam sa luha ang mga mata't pisngi nito.

"Ang cute talaga ng honey ko. Baby na baby pa talaga. Mahal na mahal kita Macy. Sana matanggap mo na ako diyan sa puso mo." maluha-luhang bulong ni Alex sa asawa.

Nagising si Macy sa hindi pamilyar na silid.

"Uhhhmmm." napabalikwas ng bangon si Macy ng masilayang hindi pamilyar ang silid na kinalalagyan. Mas lalo syang nahintakutan ng hindi siya makabangon dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang sinapupunan.

Napaunat si Alex dahil sa biglaang pagbangon ni Macy. Nakatulog kasi itong yakap yakap ang asawang mahimbing na natutulog.

"Good morning honey," bati ni Alex na may matamis na ngiti sa mga labi sa nahihintakutang asawa.

Isang mahigpit na yakap sabay halik sa noo ang iginawad ni Alex sa asawa saka ito nagpasyang bumangon at nagtungo sa banyo upang maligo at maghanda para sa maghapong trabaho sa opisina.

Samantalang naiwan pa ring nakahiga at tulala si Macy sa kama.

MY HOT TEMPERED HUSBAND (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon