Nilingon ko siya. Nakakunot ang noo niya na parang hindi maintindihan ang sinabi ko. I sighed. Ang hirap naman magpaliwanag sa taong matigas ang bungo. Good Lord!

"Who's Troy?" tanong niya habang papasok ang kotse niya sa premises ng university. I can see students running for their classes and I will have to do the same once this man parked his car.

"A friend and we're here so stop asking questions. Tara na."

Bumaba ako at nagsimula ng lumayo sakanya. Alam ko namang nakasunod siya sa'kin. I can feel his strides behind me and people are now starting to look at us.

"Just a friend but enough to make you forget us." Gigil na sabi niya habang naglalakad kami. I can't believe he's reacting this way.

Huminto ako at hinarap siya. I saw his knotted forehead and his clenched jaw. Tumigil din siya at nakipagtitigan sa'kin.

"What?" aniya.

"You're making a big deal out of nothing, Chrome. Cut the crap and act normal. Sa kabila ang building mo so stop following me." I pointed out the other direction and stormed my way out of his sight.

Narinig ko pa ang protesta niya pero tumakbo na ko para hindi malate sa klase at para na rin hindi humaba ang usapan naming dalawa. The more I talk to him the uglier it gets. We just have to let it stay that way.

PINASADAHAN ko ng tingin ang kabuuan ng malaking bahay. Alam kong mayamang ang pamilyang Mcintyre, pero hindi ko pa rin maiwasan na mamangha sa nakikita ko.

Punong-puno ng magarbong palamuti ang paligid. Mula sa malaking door crest na sumalubong sa'kin kanina hanggang sa mga mamahaling muebles sa loob mismo ng bahay. Hindi ko maiwasang matameme sa sobrang pagkamangha.

Damang-dama ko tuloy ang pagiging malayo ng antas ko sa buhay.

Binalewala ko iyon. Hindi ito ang oras para maawa sa sarili ko. Besides, self pity won't change anything. Hindi naman ako aasenso kung hindi ako kikilos at maawa na lang sa sarili.

"Pababa na po si Mam Ysabel." Imporma sa'kin ng isang kasama nila sa bahay bago ako iwanan sa maluwang na sala.

Malapit ko nang maubos ang juice na nakita kong pababa si Tita sa hagdan. Mabilis akong tumayo para batiin siya.

"Magandang hapon po, Tita."

"Hi, Sam! Kumakain ka na ba?" bigla siyang may tinawag na hula ko'y kasambahay din nila pero agad ko rin syang pinigilan.

"H'wag na po, Tita. Nakakain na po ako. Nandito lang po talaga ko para 'dun sa pakiusap niyo. Hindi rin naman po ako magtatagal." Sabi ko.

"Ganun ba? Mabuti pa'y samahan na kita sa kwarto ni Troy nang makapag-usap kayo. But before that, let me ask for his food." Tumango ako at matiyagang hinintay ang pagbabalik niya.

Naisip ko tuloy na kung pwedeng ako na lang ang magdala ng pagkain kay Troy. Hindi ko kasi alam kung kaya kong sabihin sa'kanya ang gusto kong sabihin kung kasama ko si Tita ang nakikinig sa pwedeng pag-usapan namin.

Kaya nang makabalik si Tita ay agad kong minungkahi ang naisip ko.

"That's a good idea, Sam. Hindi rin komportable si Troy sa madaming tao. He's been like that since the incident."

Nasa ikalawang palapag ang kwarto ni Troy. Nalaman ko rin na hindi siya nakakalakad dahil kagagaling lang niya sa isang aksidente. Kaya pala may taga hatid pa siya ng pagkain sa kwarto.

"Dito na po ang kwarto ni Sir Troy." Ani Rosa, ang sumalubong sa'kin kanina na katulong nila.

Pinagmasdan ko ang pintuan ng kwartong hinintuan namin. Ilang beses pa ko nagdalawang isip bago wala sa loob akong kumatok.

Substitute Bride (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang