"Okay na?" he said on the phone. "Bye, Ma!"

He looked at me apologetically. "Sorry. Makulit kasi talaga si Mama," he said and I smiled at him. Nakakatuwa naman iyong relasyon nila ng Mama niya. Kaya siguro ganito si Quin na napaka-carefree ng personality dahil mukhang busog siya sa pagmamahal ng pamilya niya.

"1131 'yung code," he said. Pinindot ko naman iyon at bumukas iyong pinto. Pumasok kami at nakita ko na fully furnished na pala iyong unit. Mukhang walang nakatira dito pero malinis iyong mga gamit.

Ibinaba ni Quin 'yung gamit ko sa isang couch.

"May cleaning lady na pumupunta dito kada Saturday kaya 'wag ka ng mag-alala sa paglilinis," he mentioned.

"Nakakahiya sa Mama mo. Magbabayad na lang ako."

"Okay lang 'yun," he said. "Hindi naman 'to ginagamit. At saka nga pala, baka bigla mong makita si Emma sa kabilang unit. Sinabi ko lang kasi baka magulat ka. Last time kasi na nagkita kayo, medyo weird."

Sila Emma. Sayang. Mabait pa naman siya pero sa tingin ko, hindi kami pwedeng maging magkaibigan lalo na dahil sa nangyari kay Parker. Hindi ko naman siya masisisi kung sinisisi niya ako sa nangyari.

"Sino sa kabilang unit? Sina Archer?" I asked. Baka kasi binili nilang magkakaibigan itong floor na 'to. Mabuti na na alam ko.

He laughed at me. "Baliw. Naniniwala ka talaga na kapag mayaman may spare condo?"

I shrugged. Malay ko ba.

"Hindi ko alam kung sino sa kabilang unit. Hindi naman madalas si Emma dito kasi mas ginagamit niya 'yung penthouse na regalo ni Uncle Chance. Sinabi ko lang para alam mo," he answered.

Tinulungan ako ni Quin na magsettle down kahit wala naman akong isesettle down dahil wala naman ako halos gamit. Makulit lang talaga siya at mukhang ayaw niyang umuwi sa bahay nila.

"Baka hinahanap ka na ng Mama mo," I mentioned nung mapansin ko na malapit ng mag alas onse.

"Busy kay Papa 'yun. At saka nandun naman 'yung kambal para guluhin sila," sagot niya. "Okay ka na ba dito?"

I nodded.

"Salamat talaga."

He smiled at me. Nakatingin siya sa akin. Medyo nailang ako dahil parang ganyan ako tignan ni Shiloah dati.

"Good night," he said. Hinatid ko siya sa may pintuan. Nagpaalam din ako sa kanya at saka pumasok sa loob. Naglinis ako ng katawan at saka nahiga sa kama. I reached for my phone and looked at it. Wala pa ring text si Shiloah.

Nasaan ka na?

Kinabukasan, maaga akong lumabas. Simula na ng bakasyon pero kailangan kong pumunta sa school dahil kay Mrs. Ocampo. Nag-email kasi siya sa akin tungkol sa practicum ko. Kaya naman imbes na magpahinga ako, napilitan akong bumangon ng maaga.

Pagkagising ko, agad na hinanap ng kamay ko si Shiloah. Nasanay kasi ako na ilang araw din na katabi ko siya kapag gigising ako. Tapos ngayon, wala siya. At ni hindi ko man lang alam kung nasaan siya.

"Good morning po," bati ko kay Mrs. Ocampo. Balik na sa dati iyong itsura niya. Medyo tumaba kasi talaga siya nung nagbubuntis pa siya.

Pinaupo niya ako at saka naglabas ng mga forms.

"Unfair treatment itong gagawin ko pero alam ko naman iyong mga nangyari sa 'yo," panimula niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin pero nakinig na lang ako. "Ako na ang nag-asikaso kung saan ka magpapracticum. Dahil medyo late kaya imbes na sa corporate setting ka mapunta e sa isang recording company ka mapupunta. Ayos lang ba?"

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon