Chapter Six: Curious

10.4K 317 39
                                    

Chapter Six: Curious

"For you"

Naalangang tinanggap ni Summer ang isang box galing kay Autumn nang sinundo siya nito pagka tapos ng kanyang shift sa Coffee Avenue.

"Ano 'to?"

"Open it"

"I swear to god if there are worms in here I am going to kick your ass with my imaginary Jui Jitsu skills"

Ngumisi lang ito at patuloy na nag drive. Dahan dahan namang binuksan ni Summer ang box. She can take anything, wag lang worms or any other crawling thing that looks beyond disgusting.

Sinilip niya muna ito bago tumingin muli kay Autumn.

"Really funny..." Tinanggal niya ang isang Lumiere figurine. Yes, the candle from Beauty and the Beast with a french accent.

"Sanz and I saw that sa Mall kanina, we thought it'd be funny kapag ibigay namin sa'yo and it was" Halakhak nito.

Napailing nalang si Summer at natawa na rin. She had crazy friends. Nagustuhan rin naman niya ang regalo nito. Lumiere is cute.

"Ewan ko sa'yo" Natatawang tugon niya dito.

Patungo silang Cavite ngayon dahil umuwi ang kanyang pinsang si Gwen galing Paris. Bumisita lang ito. Sabi ng Mama nito ay dalawang linggo lang si Gwen sa Pilipinas kaya hindi na nila palalagpasin pa ni Autumn ang pagkakataong makita ito.

Ang huling pagkikita nila ng pinsan ay nung pasko pa. Naging busy na kasi ito para sa application sa Parsons Paris kung saan na ito nag aaral ngayon kaya ngayon nalang muli naka uwi.

Noong bata pa si Summer, madalas siya sa Cavite dahil kay Gwen. Minsan ay sinasama niya si Autumn sa mga family gathering nila kaya napalapit na rin ito sa kanyang mga pinsan at iba pang kamag anak.

"Puro grilled daw yung pagkain natin 'don, boodle fight" Ani Summer. "Request ni Gwen"

"Yes!" Nagbunyi naman si Autumn dahil halos lahat ng favorite nitong pagkain ay inihaw.

"Mga 11 na siguro tayo umuwi. 10 pa naman pasok natin bukas kaya okay lang..." Sabi ni Summer nang namataan na niya ang The Parkplace Village kung saan naka tira sina Gwen.

"Good thing we're done with all that shit sa bio. Panira talaga ng buhay 'yon ano?" Irap ni Autumn nang lumabas na sila ng sasakyan.

"Prelim naman kaya wala rin, we still have time to study bukas. Chill muna tayo ngayon"

Naka bukas ang malaking gate nila Gwen at may dalawang long table para sa family dinner na ito. Narito rin ang pamilya ni Summer kaya parang nagsilbi itong mini reunion.

Nag iihaw na ang kanyang mga Tita sa garden kaya lumapit muna sila ni Autumn para batiin ang mga ito bago pumasok sa loob.

"Tita Claudine!" Masayang yakap ni Summer kanyang Tita, ang Mama ni Gwen. "Si Gwen po?"

"Andoon sa living room," tinuro nito ang daan papasok ng living room. "Ang parents mo?"

"Mamaya daw po sila mga 7. Si Ate po hahabol kasi 8 pa yung out niya"

Ngayon nalang ulit niya makikita ang kanyang parents, naiintindihan rin naman ng mga ito kung bakit hindi siya nakakauwi dahil busy rin siya tuwing weekends.

Pinakawalan na rin sila ng kanyang Tita Claudine kaya tumungo na sila sa living room kung nasaan si Gwen.

"Gweneviere!" Agad na tili ni Summer at niyakap si Gwen.

A Fan's FantasyWhere stories live. Discover now