Chapter One: Leon Blaine Felizardo

13.5K 390 16
                                    

Chapter One: Leon Blaine Felizardo

Hindi pa nagsisimula ang game ay halos wala nang boses si Summer. Natatabunan naman ng mas malakas na sigawan ang kanyang tili. Natural na maingay dahil first game ito ng San Antonio University. It's SAU vs. SDU. Naka long sleeve siyang Red para magpakita ng suporta, naka upo naman siya kasama ang ibang member ng Fans Club na sinalihan niya. Ang SAU Pack. Ito ang pinaka makalaking Fan's club na sumusuporta sa SAU Wolves. High School palang ay part na siya nito dahil sa wala sawa niyang suporta sa Team Captain ng SAU Wolves Basketball Team na si Leon Felizardo. She's a Leon's girl and everyone knew it. Marami naman siyang kasama sa club na nahuhumaling rin kay Leon.

1st year High School palang ay pinangarap na niyang makapasok sa SAU ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya pinalad na makapasok dito dahil hindi siya naka pasa sa exam. So she went to the second best school, ang Dela Merced University. Matagal niya ring iniyakan ang pag bagsak sa entrance exam. Kung bakit kasi ay hindi niya ginalingan! Talagang ang inisip niya lang noon ay pwede na niyang ma tour ang kanyang dream school kaya ayon, sa kaka-daydream na baka unexpected niyang makita si Leon ay nawala na ang kanyang ulirat sa exam kaya mabilis na niya itong sinagutan at hindi pa nireview. It was the biggest regret of her life.

Kahit na ganon ang nangyari, hindi parin nawala ang suporta niya para kay Leon Felizardo. Palagi siyang present sa mga game nito. Third year na ito ngayon habang siya naman ay First year. Maraming oras na rin ang ginugol niya para sa mga pakulo ng club na sinalihan. Marami na rin siyang pinadalang love letter ngunit wala ni isa dito ang naging tulay para mapansin siya ni Leon.

Suplado kasi ito, kahit na ganon ay marami paring nahuhumaling na babae dito. Hindi rin naman maipagkakaila ang galing ni Leon sa basketball at ang gwapo gwapo pa nito.

"Summer! Bakit hindi mo suot yung official shirt natin?" Tanong ng isa sa club leader na si Mirrel, halos pasigaw na nga ang boses nito dahil sa ingay ng buong gymnasium.

"Ah, iyon ba..." Napa kamot ng ulo si Summer bago ngumisi. "Binigay ko kasi kay Dancel para iabot kay Leon, papapirmahan ko. Hindi pa bumabalik eh."

"Nako, baka hindi na makabalik yon!" Natatarantang sambit ni Mirrel.

"Bibili nalang ako ng bago pag hindi," kalmadong sagot ni Summer. "Tsaka Mirrel, may nagawa na pala akong bagong designs. Tigan niyo nalang mamaya para next week magawa na nating yung bagong shirt para ngayong season."

"O sige," tango ni Mirel.

Na e-enjoy naman ni Summer ang pag gawa ng mga designs para sa mga shirts, pins, banners, at kung anu-ano pa. She has a knack for designing cool stuff kaya nagamit niya rin ito para pag suporta sa Wolves. Ngayon nga ang banner na winawagayway nila ay siya ang nag design. Syempre ay gumawa rin siya ng separate banner para kay Leon.

"LEON FELIZARDO!!!" Nakakabinging tili ni Summer nang sa wakas ay namataan na niya ang kanyang favorite player.

Felizardo 21.

"Shit. Girls! Tignan niyo yung si numer seven ang gwapo!" Tili ng iba pa nilang kasamahan sabay turo sa lalaking naka jersey 07.

"Bagong player ata! OMG!!!" Sabay sabay na nilang kinonclude. Nang tuluyan itong humarap sa kanila ay hindi na nila naiwasang manahimik pa. Napaka gwapo nito! Maipapantay na ang kagwapuhan ng bagong player kay Leon ngunit mas lamang parin si Leon sa puso ni Summer.

Nakalagay sa jersey nito ay Dimaano 07.

"Iyan ata yung taga Bridgeway na sabi ng pinsan ko. Varsity raw sya don! Logan ang pangalan!" Kinikilig na sabi ng isa.

"Basta kahit gaano pa ka gwapo yang Logan na yan kay Leon parin ako!" Matamang sambit ni Summer bago muling tumili.

Hingal na hingal si Summer nang matapos ang game. Para bang naglaro rin siya sa court dahil sa sobrang nerbyos. Nag overtime pa kasi dahil tumabla ang score hanggang sa matapos ang 4th quarter. Halos mawalan naman ng boses si Summer dahil sa nangyari. In the end, panalo parin ang SAU. Pinapanalangin niyang sana ay maka abot sila sa finals dahil nag iipon na talaga siya sa pambili ng ticket ngayon palang. Bawal kasi siyang humingi ng pera sa kanyang magulang para sa kapritso niya. Kaya ayun, ipon all the way.

A Fan's FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon