Mahal kita, bestfriend ng kuya ko. [Oneshot]

244K 3.7K 437
                                    

"Aray ko Justin! Nasasaktan ako! Bitawan mo ako sabi!" Hila-hila pa rin ako ni Justin, galit na galit siya. Nakita niya kasing niyakap ko si Noah kanina, e kinocomfort ko lang naman yung tao kasi kakabasted lang sa kanya nung nililigawan niya e! Tapos bigla na lang akong hinila ni Justin kahit wala naman akong ginagawa sa kanyang masama!

"Teka nga! Bitawan mo ako!" Hindi niya pa rin ako binibitawan. Namumula na yung wrist ko dahil sa paghila niya.

"Susumbong kita kay Kuya!" Binitawan naman niya ako at tinignan ng masama. Ano bang nangyayari dito?

"Ano bang problema mo Justin! Kinocomfort ko lang naman yung tao ha?!" 

"E bakit mo ba siya niyayakap, ha?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Lagi na lang, kapag may lalaki akong kausap o kasama, nilalayo niya ako dun. Layuan ko daw kasi mapapahamak lang daw ako. Pero bakit kailangan niyang sabihing malandi ako? Siya yung makitid yung utak.

"BAKIT BA ANG KITID NG UTAK MO! ATSAKA SINO KA BA?! BESTFRIEND KA LANG NAMAN NG KUYA KO HA?! BAKIT KUNG MAKAREACT KA AKALA MO BOYFRIEND KITA?!" Napasuntok siya sa pader kung saan niya ako dinala. Dumugo yung kamay niya, naku po.

"Uy. Y-yung kamay mo, gamutin natin." Hinawakan ko yung kamay niya pero bigla niya naman akong hinila sa beywang at hinalikan. Bakit niya ako hinahalikan?! Gusto kong pumiglas pero hindi ko magawa. Nalulunod ako sa halik niya.

Habang papatagal yung halik, bigla akong natauhan. Tinulak ko siya at sinampal.

"PINAGLALARUAN MO BA AKO?! HA?! BAKIT MO AKO HINALIKAN?" 

"DAHIL MAHAL KITA! HINDI MO BA NAKIKITA?! HINDI LANG LITTLE SISTER ANG TINGIN KO SAYO! MAHAL NA MAHAL KITA, MARVI." Nabigla ako. All this time na akala ko, little sister lang ang tingin niya sakin, gusto niya pala ako? Mahal niya pala ako?

All this time, akala ko, ako lang ang may gusto sa kanya? 

Bigla akong napangiti. Hanggang sa natawa ako. Tinignan niya naman ako ng seryoso.

"Nakakatawa ba yung pag-amin ko?" Lumapit naman ako sa kanya at binigyan siya ng kiss. 

"Mahal rin kita, Kuya Justin. Kahit mas matanda ka sakin ng 3 taon, hahaha. Lagot ka kay Kuya mamaya. Bleeh." Ngumiti naman siya.

"Marvi, sorry sa pagtawag ko sayong malandi, di k osinasadya yun. At okay lang yun, alam naman ng Kuya mo na gusto talaga kita e."

"Epal ka. Kayo ni Kuya! Adik kayo noh?" Tumawa naman siya. Bigla naman akong napatingin sa kamay niya.

"Uy. Dumudugo pa rin yung kamay mo. Ang tanga mo kasi e. Gagamutin ko yan, punta muna tayo sa bahay." Bigla niya akong niyakap, at may binulong.

"Um-oo ka muna na maging girlfriend ko." 

"Ligawan mo muna ako 'no. Ano ka, sineswerte?" Bigla siyang bumitaw sa yakap niya sakin at nagtatalon, sigaw pa siya ng sigaw ng Yes. 

Masaya na ako, akalain mo? Yung taong gustong-gusto ko, gusto rin ako? Wala na kong ibang hihingilin. Pero syempre, liligawan niya muna ako. Papahirapan ko siya. Magdusa siya. =))

THE END.

One-Shot Stories: A CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon