Chapter NINETEEN

2.6K 35 0
                                    

Third person's POV

Sabi nila... Kapag mahal mo raw ang isang tao, gagawin mo raw ang lahat makuha at makasama mo lang siya.

At sabi rin nila...

Kung mahal mo ang isang tao, kung nasaan siya ay dapat nandoon karin.

At higit sa lahat...

Gagawin mo raw ang lahat, ma protektahan lang siya, upang hindi siya masaktan na kahit ikamatay mo pa ito.

" Kurty gumising ka! Kurt! " sigaw ni Adrianna habang ginigising si Kurty na siyang tinamaan ng bala, matapos agawin ng binata ang paputok na baril sa kanya " Bakit mo ginawa iyon? Tanga ka! Tanga ka! Kaya gumising ka diyan! KURT!!!! " pero ayaw parin magising ng binata. Ng maalala yata ng mga pulis kung anong trabaho nila at kung anong dapat nilang gawin, ay mabilis nilang hinawakan sa magkabilang braso si Adrianna at pinosasan ang kamay mula sa kanyang likuran.

" Pakawalan ninyo ako! Kurt! Kurty ko gumising ka! KURT! AHHHH! " wala na itong nagawa kundi sumama sa mga pulis ng hilahin na ito palabas ng kwarto upang isakay sa police car para idala sa kulungan.

Mabilis namang nilapitan ng magkakaibigan ang kanioabng kaibigan na nakahandusay sa sahig na may tama ng baril sa gilid ng tiyan nito.

" Kurt hold back please! Parating na ang ambulansiya! Please! Stay with us! " ika ni Leo na alalang-alala as kalagayan ng kanyang kaibigan.

" H-huwag k-kayong m-magalit sa k-kan-ya please. H-hindi niya g-ginusto ang ginawa niya " nahihirapan nitong ika, atsaka pa ito nagsuka ng dugo " K-kasalanan ko ang lahat, a-ako ang dahilan ku-kung b-b-bakit siya nagkaganun, ackkk! "

" Kurt huwag ka munang magsalita please! "

" A-algianna... I-i-im s-sorry "

" You will not forgiven kapag bumigay ka! Tandaan mo yan! Hinding hindi kita mapapatawad! "

" Angelie? Anong ginagawa mo? " lahat sila ay napatingin sa kaibigan na bigla na lamang tumayo at itinapat sa sentido ang baril na pagmamay-ari ng dalagang si Adrianna.

" Shit! Bitawan mo yan Ange! Hindi magandang biro yan! " natataranta namang ika ni Leo na matagal ng may pag tingin sa dalagang si Angelie.

" A-ako! " atsaka na ito humagulgol ng iyak " Ako ang lahat ng may kasalanan nito! Kung bakit namatay si Marvs at Jermaine, at kung bakit nabaril ngayon si Kurt. Ako, ako ang puno't dulo ng lahat! Kaya ako ang dapat na mamatay! "

" Angelie huwag! Please huwag! Wala kang kasalanan! Wala kang kasalanan kaya huwag mong gawin iyan! " pagpigil ng dalagang si Algianna sa kanya.

" Hindi, " atsaka ito umiling " Meron akong kasalanan Algianna, dahil ako... Ako ang nakasagasa sa mga magulang mo noon, ako! " gulat naman si Algianna dahil sa sinabi ng dalaga " Inako lang noon ni Kurt ang kasalanan ko dahil ayaw niya akong mapagalitan. Patawarin niyo ako sa nagawa ko, hindi ko naman sadya na patayin sila eh "

" A-Angelie, ikaw narin ang nagsabi na hindi mo sadya, kaya bitawan mo na ang baril na iyan at pag-uusapan natin ito ng maayos " pakiusap muli ng dalaga sa kaibigan nito " Angelie, bata ka palang nun, at alam kong naiintindihan ka ng mga magulang ko at napatawad ka na nila at matagal na "

" Hindi ganun kadaling patawarin ang kasalanan na nagawa ko, Algianna. Buhay ang kinuha ko sa inyo, kaya dapat lang na buhay din ang ipalit ko! "

" Angelie! " sigaw ng tatlo nitong kaibigan pa

" A-angelie, h-h-huwag " At maging ang nanghihinang si Kurt ay gusto ring pigilan ang kaibigan sa kanyang binabalak.

" Patawarin niyo sana ako! Patawarin ninyo ako! "

" AHHHH!/HINDI/ANGELIE! " pero huli na ang lahat upang pigilan pa ang kanilang kaibigan dahil ipinutok na nito ang baril sa kanyang ulo.

Wala na silang magawa kundi umiyak nalang, at ang mga lalaki ay niyakap nalang ang mga babe patalikod sa bangkay ng kanilang kaibigan na ngayon ay basag ang bungo.

" Bakit? Bakit kailangan mangyare sa'ten ang ganito? " ika ng dalagang si Aliah habang nakayakap sa kanyang nobyo na si Jerick. Umiling ang binata dahil hindi rin nito alam kung bakit.

Maya't maya lamang ay dumating na ang ambulansiya upang kunin ang bangkay ni Angelie at idala naman sa ospital ang nanghihina ng tuluyan na si Kurt-- na kanina pa gustong puntahan ang kaibigan, yakapin at tanungin kung Bakit niya pa iyon ginawa. Ngunit hindi nga nito magawa dahil sa kanyang kndisyon. Isinama rin ang magkakaibigan na dinala sa ospital, upang tignan rin ang mga ito.

Samantala sa isang kulungan...

Hindi naman lubos maisip ni Adrianna ang ginawa kanina-kanina lamang ng lalaking gusto niyang patayin noon, na nagawa siya nitong iligtas at inilagay pa nito sa panganib ang kanyang buhay. Naiyak na lamang ito ng naiyak ng maalala ang sinabi sa kanya ng binata na mahal siya nito.

" Mahal na mahal rin kita Kurt, mahal na mahal rin kita " ika nito sa gitna ng kanyang pag-iyak at isa-isang binalikan ang masasayang najaraan, habang kasama niya ito at nagpapanggap pa siyang Algianna " Mabuhay ka please, mabuhay ka! Hindi man para saken, pero para man lang sa kapatid ko. Mabuhay ka please. Huhuhu "

Lumipas ang Ilang araw. Ang nasasakdal na si Adrianna dahil sa salang pagpatay sa magkasintahan, ay pinatawan na ng mababang hukuman ng limang taon na pagkakakulong sa kulungan.

Habang ang binata namang si Kurt na nag-aagaw buhay, ay nalagay sa isang taon na pagkakakomatos nito dahil sa natamo nitong sugat sa tiyan, dahilan ng pagkakawalan nito ng maraming dugo na siyang naging dahilan din ng pagkaka coma nito ng ganun ka habang panahon.

Habang ang magkakaibigan naman na nabuhay at Naka ligtas sa trahedya, ay may ng busy sa burol ng kanilang kaibigan na malapit ng ilibing.

" Algianna! Bakit magkamukhang magkamukha kayo ni Adrianna noh? " nagtatakhang tanong ng da
Alagang si Aliah habang sinasamahan ang kaibigan na magluto ng sopas na ipapakin sa mga bisita.

" Kambal nga kasi baby! But may times na hindi magkamukhang magkamukha ang magkambal " si Jerick na yumakap a sa likod ng syota nito.

" Kung babae at lalaki ito? " si Aliah

" Hindi rin naman, may time rin na may magkahawig na babae at lalaki na kambal at may time rin na, hindi talaga magkamukhang magkamukha ang babaeng kambal " si Algianna na naghihiwa naman ng gulay n isasagot sa sopas.

" Talaga? " tumango ang dalaga " Grabe kasi eh! Wala kayong pinagkaibang dalawa, but wait meron pala! "

" Ano naman? " singit na!an ni Leo na kakatapos lamang mag serve ng kape sa mga bisita.

" Their attitude! Ang sama kaya ng ugali ni Adrianna! " Aliah

" Sang-ayon ako baby! " Jerick

" Me three! " Leo

" Hindi masama si Adrianna, sadyang desidido lang talaga siya na makapaghiganti. Mahal na mahal kasi nun ang mga parents namin eh, kaya kahit mga bata palang kami, nakaisip na siya ng ganuong bagay "

" May point ka! Pero masama parin ugali niya! " napa iling nalang ang dalaga sa sinabi ng kaniyang kaibigan.

" Oo nalang! Hey mauuna na pala ako pagkatapos nito ha? Babantayan ko muna si Kurt sa ospital "

" Huwag na muna Algianna, " napatingin ang dalaga sa binatang nagsalita " Hayaan mo munang magkaroon ng oras na makasama ng mga magulang nito sibKurt, kahit sa ganitong kalagayan " nanlaki naman ang mga mata ng dalaga ng dahil doon.

" Nandoon ang parents ni Kurt? " tumango ang binata " Wow! O sige sige! I'm gonna give them time muna " masaya ang dalaga para sa binata dahil ngayon lamang nito makakasamang muli ang kanyang mga magulang, ngunit ang masakit lamang doon, ay sa ganitong kalagayan pa na kamuntikan pa nitong ikamatay.

Editing ~~

Dark Pretender ( Completed )Where stories live. Discover now