Chapter TWENTY - Finale √

3.5K 48 1
                                    

5 years later...

Adrianna's POV

Finally! Makakalaya na ako! For how many years na nanatili ako dito sa mabahong selda dito sa kulungan, maglinis ng banyo, kumain ng hindi masustansiyang pagkain, hindu maka ligo ng maayos, hindi makagala, walang TV, walang cellphone at wala ang Kurty ko.

Kamusta na kaya siya? Miss ko na siya. Hindi kasi nagkwe-kwento si Algianna patungkol sa kanya kapag dinadalaw niya ako eh. Nahihiya rin naman akong magtanong sa kanya. Sana okay lang siya.

Hindi ko naman pwedeng isipin na wala na siya, dahil kung nawala siya, baka hindi na ako dinadalaw ng kambal ko sa kulungan, kinukwentuhan ng masasayang pangyayare sa buhay niya with her new life daw. Hayy! I want to see him first kapag nakalabas na ako dito, gusto ko siya ang unang makita ko at wala ng iba pa. Pero saan ko naman kaya siya pupuntahan? Hahanapin? Hayyy!

" Adrianna Cruz! Laya ka na! " sabi nung babaeng pulis

" Wuhooooo! " sigaw naman ng mga kasama ko sa selda. Mga bagong kaibigan ko. Haha.

" Oh ano? Laya na ako! Magpapakabait kayo dito ha? "

" Naman! Kahit hindi mo na sabihin Adria! " sabi ni Kairen

" Kita-kita nalang sa labas after 5 years! " si Laye

" Aba! Sige ba! Ako bahala sa welcome party ninyo! "

" Yan ang gusto namin sa'yo Adria eh! " si Shobe

" Tama na yan! Tama na yan! " sabi nung babaeng pulis habang pinapalo sa bakal ang hawak nitong stick. Tss! Istorbo! Psh! Ang Sarap suntukin! Pasalamat siya lalabas na ako ng kulungan, kundi baka nasapak ko na siya.

" O sige sige! Mauuna na ako! Paalam! "

" Hanggang sa muli! " sigaw nilang lahat sabay tawa.

" Mga baliw! " mamimiss ko ang mga kriminal na iyon, ay! Mga kapwa kriminal ko pala! Hahaha.

" Adrianna! " napangiwi ako sa boses ng kambal ko. Tao ba to o mikropono? Psh! Ang lakas ng boses eh! She hugged me at hinayaan ko lang siya dahil alam ko namang miss niya na ako.

" Ms Cruz, pa sign up muna bago ka lumabas! "

" Oh, hiwalay muna! Mag sa-sign up muna ako para makalabas na ako, ayoko na dito! " natatawa namang kumawala sa pagkakayakap saken si Algianna.

" Sabi ko nga! Bilisan mo ha? May pupuntahan tayo! "

" What? Ayoko! Magbabad muna ako sa tab, ang baho-baho ko! " tinawanan na naman niya ako, kaya habang nagsusulat ako ay sinamaan ko s a ng tingin at mabilis naman itong huminto.

" Hindi pwede Adrianna! Malelate tayo! "

" At saan naman? "

" Basta! Dalian mo ng mag sign up! Akala ko ba ayaw mo na dito? "

" E dinadaldalan mo ako eh! " Bwisit na babaeng Ito! At saan naman kaya niya ako balak dalhin at malelate pa daw kami. Tss! Mapagbigyan na nga! Kahit na gustong gusto ko ng magbabad sa tubig dahil ang baho-baho ko na! Bahala siya mabauhan saken habang kasama niya ako.

*

" Hoy Algianna! May hindi ka ba sinasabi saken ha? " nandito kasi kami ngayon sa tapat ng isang pataihan ng gown " Ika kasal ka na ba? "

" What? No, noh! " sapakin ko ito eh, at may gana pa talaga siyang tumanggi! E hindi naman imposible sinasabi ko dahil... Shete! Sabi ko nga eh. Ang sakeet my Ghad!

" E anong ginagawa natin dito? Sino ikakasal? Si Aliah at Jerick ba? "

" Hindi, si Leo at Ako "

Dark Pretender ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon