Oh God! Nilabhan iyon lahat ni Kathryn?! Sobrang dami noon. Pati basket ng mga pambahay ko wala. Madami 'yun dahil one week kong damit na sinuot. Hindi ko kaagad madala sa laundry shop dahil maaga akong umaalis at hindi pa bukas ng mga iyon.

Kaya knok out malamang pagod! Nako naman, babawi na lang ako. Ako ang magluluto ng hapunan. Pagdating ko sa kusina, hindi ko napansin 'yung sweet and sour tilapia. Nag-saing na lang ako. Mula din sa bintana ng kusina, nakita ko ang sampayan namin na punong puno ng damit ko. Narinig ko ang yabag ng mga paa na papunta dito sa kusina.

"Hi!" bati ko kay Kath.

"Sorry. Nakatulog ako. Gutom ka na ba?" nag-aalala niyang tanong.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya papunta sa salas. Kinuha ko ang dalawang kamay saka hinalikan.

"Thank you." sabi ko at hinalikan ko ulit ang kamay niya.

Napakunot ang noo niya.

"Ha? Saan?"

"Sa paglalaba ng damit ko. Kahit na hindi ka na nagta-trabaho sa akin." sabi ko sa kanya.

Isinandig ko siya sa akin saka ko pinulupot ang braso ko sa bewang niya.

"'Yun nga pala! Bakit naman hindi mo sinabi na ang dami mo palang maduduming damit? May nagagamit ka pa ba?" tanong niya.

Tinignan ko ang kamay niya. Namumula pa nga eh.

"Meron pa. Kaso dapat nga dadalhin ko na 'yun sa laundry, eh hindi pa naman bukas ang mga 'yun kaya iniiwan ko muna. Ang dami kaya, ginamit mo ba 'yung washing machine?" nag-aalala kong tanong.

"Hehe. Hindi eh." ayy nako! "Mas gusto ko ang hand wash para mas malinis." grabe talaga siyang mag-alaga.

"Sa susunod, gamitin mo 'yung washing machine. Kaya ko nga binili 'yun eh para hindi ka na mahirapan." sabi ko sa kanya.

"Oo na po."

Ni-let go ko na 'yung topic. Gusto ko sanang itanong kung anong gusto niyang gawin sa first monthsary namin.

"Me, anong gusto mong gawin sa 25?" excited kong tanong.

Napa-tingala naman siya sa akin.

"Wala." nawala naman ang ngiti ko sa sagot niya. Mahalagang araw 'yun tapos wala?

"Mahal! Monthsary natin 'yun, ano ka ba?" sabi ko sa kanya.

"Alam ko. Alam mo din na naka-alis ka na sa araw na 'yun." seryosong sabi niya. Alam na pala niya.

"Pero, Kath nagawan ko na ng paraan. Hiniling ko kay Papa na i-move 'yung pag-alis ko sa 26." sabi ko sa kanya. "Ganito na lang, ako na lang ang magpa-plano. Sa EK tayo? Kasama si Baby. Ano?" hinalikan ko ang buhok niya.

"Hindi pwede, DJ. Aalis ka kinabukasan." sabi niya.

"Sa... Sa Planet Magenta kaya? Parang despedida na din." tinanggal niya ang braso kong naka yakap sa kanya at umayos ng upo.

"Ayoko. Mahulog na naman ang anak mo sa pool eh." inis niyang sabi sa akin.

Napa buntong hininga ako. Bakit ba ganito 'to? Wala naman kaming pinag-awayan ah.

"Kathryn, may nagawa ba ako? Bakit nagkaka-ganyan ka?" yumuko siya at nilagay ang palad niya sa muka. "Kath."

"Wala akong problema, ayoko lang na 'yung idea na ice-celebrate natin 'yung pag-alis mo kasi hindi naman ako masayang aalis ka." sabi niya. Narinig ko ang mahinang niyang pag-hikbi.

Substitute Mom (KathNiel) COMPLETE [editing]Where stories live. Discover now